Ang Naghihirap na Pagkamatay ng Kapitalismo

at Ang mga Tungkulin ng Ika-Apat na Internasyonal:

Ang Mobilisasyon ng mga Masa sa Paligid ng Transisyunal na mga Panawagan para sa Paghahanda sa Pag-Agaw ng Kapangyarihan

Ni Leon Trotsky


Isinalin ng: Rebolusyonaryong Grupo ng mga Komunista


MGA NILALAMAN

Ang mga Obhetibong Kinakailangan para sa Isang Sosyalistang Rebolusyon

Ang Proletaryado at ang Liderato nito

Ang Minimum na Programa at ang Transisyonal na Programa

Ang Papalaking Iskala ng mga Sahod at ang Papaliit na Iskala ng Oras

Mga Unyon Paggawa sa Transisyonal na Kapanahunan

Mga Komiteng Pabrika

Mga “Lihim sa Kalakalan” at Kontrol ng mga Manggagawa ng Industriya

Ekspropriasyon ng mga Natatanging Kapitalista

Ekspropriasyon ng mga Pribadong Bangko at Estado-isasyon ng Sistemang Pautang

Ang Piket Layn, mga Bantay Pandepensa / Milisyang Manggagawa at Ang Pag-aarmas ng Proletaryado

Ang Alyansa ng mga Manggagawa at mga Magsasaka

Ang Pakikibaka Laban sa Imperyalismo at Digmaan

Gubyerno ng mga Manggagawa at Magsasaka

Mga Sobyet

Mga Atrasadong Bansa at ang Programa ng mga Transisyonal na Panawagan

Ang Programa ng mga Transisyonal na Panawagan sa mga Pasistang Bansa

Ang USSR at mga Problema ng Transisyonal na Kapanahunan

Laban sa Oportunismo at Hindi Maka-prinsipyong Rebisyonismo

Laban sa Sektaryanismo

Buksan ang Daan sa Babaeng Manggagawa! Buksan ang Daan sa Kabataan!

Sa Ilalim ng Bandila ng Ika-Apat na Internasyonal


Ang mga Obhetibong Kinakailangan para sa Isang Sosyalistang Rebolusyon

Ang pulitikal na sitwasyon ng daigdig sa pangkabuuan ay pangunahing kinatatangian ng isang makasaysayang krisis sa liderato ng proletaryado.

Ang pang-ekonomiyang pangangailangan para sa proletaryong rebolusyon sa pangkalahatan ay umabot na sa pinakamataas na antas ng pagkahinog na dapat abutin sa ilalim ng kapitalismo. Ang mga produktibong puwersa ng sangkatauhan ay wala nang pag-unlad. Na ang mga bagong imbensyon at kaunlaran ay pumalya na pataasin ang antas ng materyal na yaman. Ang mga nagsasabay-sabay na mga krisis sa ilalim ng kondisyon ng sosyal na krisis ng buong kapitalistang sistema ay nakagawa ng mas lalong matinding kasalatan at paghihirap sa mga masa. Habang ang lumalalang kawalan ng trabaho, sa kabilang banda, ay nagpapalalim ng krisis pinansyal ng estado at nagpapahina sa maalog na sistemang monetaryo.

Mismo ang burgesya ay hindi makakita ng daan palabas. Sa mga bansa na kung saan napilitan na nitong ihapag ang kahuli-hulihang baraha ng pasismo, ito ngayon ay nakapikit ang mga matang dumudulas patungo sa isang pang-ekonomiya at pang-militar na kapahamakan. Sa mga may kasaysayan nang may pribilehiyo na bansa, halimbawa, sa mga bansa kung saan ang burgesya ay nagagawa pa rin nito sa isang tiyak na panahon na hayaan ang sarili nitong magkaroon ng luho ng demokrasya kapalit ng pambansang akomulasyon (Britanya, Pransya, Estados Unidos, atbp.), lahat ng tradisyonal na partido ng kapital ay nasa isang antas ng kalituhan na nalalapit sa isang pagkapilay sa pagpapasya.

Ang “New Deal”, bagamat nag-umpisa sa mapangahas na pagpapanggap, ay kumakatawan lamang sa isang porma ng pulitikal na kalituhan, na maaari lamang sa isang bansa kung saan ang burgesya ay nagtagumpay na maka-pangamkam ng hindi masukat na kayamanan. Ang kasalukuyang krisis, na hindi pa nakaka-daan sa buo nitong kurso, ay nagtagumpay na sa pagpapakita na ang mga pulitika ng “New Deal,” tulad ng mga pulitika ng Popular na Prente sa Pransya, ay hindi nagbubukas ng bagong lagusan sa bulag na pang-ekonomiyang kalyehon.

Ang mga internasyonal na relasyon ay hindi rin naghahapag ng maayos na larawan. Sa ilalim ng tumitinding tensyon ng kapitalistang disentigrasyon, ang mga imperyalistang antagonismo ay umabot na sa isang antas ng pagkakapatas kung saan ang kasagsagan ng mga magkakahiwalay na banggaan at mga madudugong lokal na kaguluhan (Etiyopiya, Espanya, sa Malayong Silangan, Sentral na Europa) ay hindi mapipigilang magsanib tungo sa isang apoy na mayroong pandaigdigang lawak. Kaya naman, ang burgesya, ay mulat sa mortal na panganib sa dominasyon nito na kinakatawan ng isang bagong digmaan. Subalit ang uring iyan ay mas lalo na walang kakayahan na pigilan ang digmaan kaysa noong gabi bago ang 1914.

Lahat ng pangungusap na nagsasabi na ang mga istorikal na kondisyon ay hindi pa “hinog” para sa sosyalismo ay produkto ng kamangmangan o kaya’y mulat na panloloko. Ang obhetibong pangangailangan para sa proletaryong rebolusyon ay hindi lamang “hinog”, kundi ang mga ito ay nag-uumipisa na ngang mabulok. Kung wala ang isang sosyalistang rebolusyon, sa susunod na panahon ng kasaysayan ay, isang kapahamakan ang nagbabanta sa buong kultura ng sangkatauhan. Ang pagbabago ngayon ay nasa proletaryado, pangunahin sa mga rebolusyonaryong lider nito. Ang makasaysayang krisis ng sangkatauhan ay nakababa sa krisis ng rebolusyonaryong liderato.

Ang Proletaryado at ang Liderato nito

Ang ekonomiya, ang estado, ang pulitika ng burgesya at ang mga internasyonal na relasyon nito ay buong-buo na winawasak ng isang sosyal na krisis, katangian ng isang lipunan bago magkaroon ng rebolusyonaryong kalagayan. Ang pangunahing balakid sa daan ng pagta-transporma ng isang bago magkaroon ng rebolusyonaryong kalagayan tungo sa isang rebolusyonaryong kalagayan ay ang oportunistang katangian ng proletaryong liderato: ang peti-burgis na pagka-duwag sa harap ng malaking burgesya at ang kataksil-taksil nitong koneksyon rito kahit na sa naghihirap na pagkamatay nito.

Sa lahat ng bansa ang proletaryado ay hinahapit ng malalim na pagkabahala. Ang multi-milyong mga masa ay paulit-ulit na tinatahak ang landas ng rebolusyon. Subalit lagi’t-lagi sila ay hinaharang ng sarili nilang konserbatibo na burukratikong makina.

Ang Espanyol na proletaryado ay nakagawa ng mga serye ng magigiting na pagtatangka simula noong Abril 1931 upang mapasakamay nito ang kapangyarihan at direksyonan ang kahihinatnan ng lipunan. Subalit, ang sarili nitong mga partido (mga Sosyal Demokrata, mga Stalinista, mga Anarkista, POUMista)—ay umakto, sa sarili nitong paraan, bilang mga preno at sa gayong paraan, inihanda ang tagumpay ni Franco.

Sa Pransya, ang malalaking pagbulwak ng mga “sit down” strike, partikular sa panahon ng Hunyo 1936, ay naghahayag ng buong pusong kahandaan ng proletaryado na ibagsak ang kapitalistang sistema. Subalit ang mga nangungunang organisasyon (mga Sosyalista, mga Stalinista, mga Sindikalista) sa ilalim ng tatak ng Popular na Prente ay nagtagumpay na kanalin at gawan ng dam, kahit panandalian, ang rebolusyonaryong agos.

Ang hindi mapantayang pagbulwak ng mga sit down strike at ang nakakagulat na paglawak ng industriyal na unyonismo sa Estados Unidos (ang CIO), ay ang pinaka-hindi mapa-sisinungalinang ekspresyon ng likas na pagsusumikap ng Amerikanong manggagawa na pataasin ang kanilang mga sarili sa antas ng mga tungkuling iniatang sa kanila ng kasaysayan. Subalit dito muli, ang mga nangungunang pulitikal na organisasyon, kabilang na ang bagong tatag na CIO, ay ginagawa ang lahat ng maaaring gawin upang mapanatiling pigil at paralisado ang rebolusyonaryong presyur ng mga masa.

Ang tiyak na paglipat ng Comintern sa panig ng burgesyang kaayusan, ang nanunuyang kontra-rebolusyonaryong papel nito sa buong daigdig, partikular na sa Espanya, Pransya, sa Estados Unidos, at sa iba pang mga “demokratikong” bansa, ay nakagawa ng mga eksepsyonal na karagdagan na kahirapan sa pandaigdigang proletaryado. Sa ilalim ng bandila ng Rebolusyong Oktubre, ang mga mapagpalubag-loob na pulitika na isinapraktika ng “Prente ng Bayan” ang nagtadhana sa uring manggagawa sa kawalan ng kapangyarihan at naghahawan ng daan para sa pasismo.

“Prente ng Bayan” sa isang banda—pasismo sa kabila: ang mga ito ang huling pulitikal na paraang nakalaan sa imperyalismo sa pakikibaka nito laban sa proletaryong rebolusyon. Ang pagkabulok ng kapitalismo ay nagpapatuloy sa ilalim ng sumbrero ng Phrygian cap sa Pransya kahalintulad ng tatak ng swastika sa Alemanya. Tanging ang pagpapabagsak ng burgesya ang maaaring makapag-bukas ng daan palabas.

Ang oryentasyon ng mga masa ay tinatakda sa pangunahin ng mga obhetibong kondisyon ng nabubulok na kapitalismo, at pangalawa, ang mga nagtataksil na pulitika ng mga lumang organisasyon ng mga manggagawa. Sa mga nabanggit na salik, ang una, higit sa lahat, ang mapagpasya: ang mga batas ng kasaysayan ay mas makapangyarihan kaysa mga burukratikong aparato. Kahit sa paanong paraan nagkakaiba ang mga sosyal na nagkanulo—mula sa mga “sosyal” na pagpapasa ng mga batas ni Blum hanggang sa mga dyudisyal na preym-ap ni Stalin—hindi sila magtatagumpay sa pagbali ng rebolusyonaryong kapasyahan ng proletaryado. Sa paglipas ng mga panahon, ang kanilang mga desperadong pagsisikhay na pigilan ang gulong ng kasaysayan ang lalong nagpapakita sa mga masa na ang krisis ng proletaryong liderato, na naging krisis na ng kultura ng sangkatauhan, ay mareresolba lamang ng Ika-Apat na Internasyonal.

Ang Minimum na Programa at ang Transisyonal na Programa

Ang estratehikong tungkulin sa susunod na kapanahunan—ang panahon bago magkaroon ng rebolusyonaryong sitwasyon na ahitasyon, propaganda at organisasyon—ay kinatatampukan ng pag-igpaw ng kontradiksyon sa pagitan ng matyuridad ng obhetibo na rebolusyonaryong kondisyon at ang pagkawala pa sa gulang ng proletaryado at ang mga nasa banggardo nito (ang pagkalito at pagkabigo ng nakatatandang henerasyon, ang kawalan ng karanasan ng nakababatang henerasyon). Kinakailangan na tulungan ang mga masa sa proseso ng araw-araw na pakikibaka upang magkaroon ng tulay sa pagitan ng kasalukuyang panawagan at ang sosyalistang programa ng rebolusyon. Dapat na isama ng tulay na ito ang isang sistema ng mga transisyonal na panawagan,na magmumula sa mga kasalukuyang kondisyon at mula sa kasalukuyang kamulatan ng malawak na bilang ng mga manggagawa at matatag na tutungo sa isang tanging kongklusyon: ang pag-agaw ng kapangyarihan ng proletaryado.

Ang klasikong Sosyal Demokrasya, na kumikilos sa isang kapanahunan ng progresibong kapitalismo, ay hinahati ang programa nito sa dalawang bahagi na independente sa bawat isa: ang minimum na programana nililimitahan ang sarili sa mga reporma sa ilalim ng balangkas ng burgis na lipunan, at ang maksimum na programana ipinapangako ang pagpapalit ng sosyalismo sa kapitalismo sa walang naka-takdang hinaharap. Sa pagitan ng minimum at maksimum na programa ay walang tulay na nag-uugnay. At talaga namang ang Sosyal Demokrasya ay hindi na kailangan ang nasabing tulay, dahil ang salitang sosyalismoay ginagamit lamang sa pagtatalumpati sa kapistahan. Ang Comintern ay nag-uumpisa nang sundan ang tahakin ng Sosyal Demokrasya sa kapanahunan ng pagkabulok ng kapitalismo: habang, sa pangkalahatan, wala nang maaaring maging talakayan sa sistematikong mga repormang sosyal at ang pagpapataas ng antas ng kabuhayan ng mga masa; habang ang bawat seryosong panawagan ng proletaryado at maging ang bawat seryosong panawagan ng peti-burgesya ay hindi mapigilang umabot ng lagpas sa limitasyon ng kapitalistang relasyon ng pag-aari at ang burgis na estado.

Ang estratehikong tungkulin ng Ika-Apat na Internasyonal ay hindi nakasalalay sa pagre-reporma ng kapitalismo kundi sa pagpapabagsak nito. Ang pulitikal na layunin nito ay ang pag-agaw sa kapangyarihan ng proletaryado sa layong i-eksproprieyt ang burgesya. Subalit, ang pag-abot sa estratehikong tungkuling ito ay hindi maisasakatuparan kung hindi bibigyan ng pinaka-matinding atensyon sa lahat, kahit man lang maliit at parsyal, ang mga katanungan sa taktika. Lahat ng seksyon ng proletaryado, ang lahat ng saray nito, mga okupasyon at grupo, ay kinakailangang mahigop sa rebolusyonaryong kilusan. Ang kasalukuyang panahon ay naiiba hindi dahil pinapalaya nito ang rebolusyonaryong partido mula sa pang-araw-araw na gawain kundi sa dahilang hinahayan nito ang gawaing nabanggit na ipagpatuloy ng hindi nakahiwalay sa mga tungkulin ng rebolusyon.

Hindi isinasantabi ng Ika-Apat na Internasyonal ang mga sinaunang “minimal” na panawagan sa antas kung saan napanatili ng mga ito kahit man lang bahagi ng kanilang lubha na mahalagang bisa. Walang kapaguran nitong dinedepensahan ang mga demokratikong karapatan at mga nakuhang tagumpay ng mga manggagawa. Subalit ito ay dinadala sa pang-araw-araw na gawain sa pamamagitan ng tumpak at aktwal na balangkas, iyan ay, ang rebolusyonaryong perspektiba. Sa kalagayang ang mga makaluma, parsyal, “minimal” na panawagan ay bumabangga sa mapanira at bulok na tendensya ng nabubulok na kapitalismo—at ito ay nangyayari sa bawat hakbang—inihahapag ng Ika-Apat na Internasyonal ang isang sistema ngmga transisyonal na panawagan, ang esensya nito ay nakapa-loob sa katotohanan na ang mga ito ay hayagan at mapag-pasyang nakadirekta laban sa mismong paanan ng burgis na rehimen. Ang luma na “minimal na programa” ay sinasantabi ngtransisyonal na programa, kung saan ang tungkulin ay nakabatay sa sistematikong mobilisasyon ng mga masa para sa proletaryong rebolusyon.

Ang Papalaking Iskala ng mga Sahod at ang Papaliit na Iskala ng Oras

Sa ilalim ng mga kondisyon ng nalulusaw na kapitalismo, ang mga masa ay patuloy na nabubuhay sa mahirap na buhay ng mga pinagsasamantalahan, na pinagba-bantaan ngayon nang higit pa sa mga nakaraang panahon, ng panganib ng pagkakalagay sa balon ng pagkapulubi. Kailangang depensahan nila ang kanilang sansubo ng tinapay, kung hindi nila ito mapaparami o mapapabuti. Hindi na hinihingi ng pangangailangan o ng oportunidad na isa-isahin pa rito ang mga hiwalay, parsyal na panawagan na paulit-ulit nang sumusulpot sa batayan ng mga kongkretong sirkumstansya—sa pambansa, lokal, at unyon. Subalit dalawa sa batayang sakit pang-ekonomiya, na kung saan sinusuma ang lumalalang kahangalan ng kapitalistang sistema, iyan ay, ang kawalan ng trabahoat ang pagtaas ng mga presyo,humihingi ng mga pangkalahatang islogan at mga paraan ng pakikibaka. Idinedeklara ng Ika-Apat na Internasyonal ang walang anumang kompromiso na pakikidigma sa mga pulitika ng mga kapitalista na, sa isang konsiderableng antas, tulad ng mga pulitika ng kanilang mga ahente, ang mga repormista, ay naglalayong ipataw ang buong kabigatan ng militarismo, ang krisis, ang dis-organisasyon ng sistemang monetaryo, at lahat ng iba pang pahirap na sumusulpot mula sa naghihirap na pagkamatay ng kapitalismo sa likuran ng mga anak-pawis. Ang Ika-Apat na Internasyonal ay nananawagan ng trabahoat disenteng kondisyon ng pamumuhaypara sa lahat. Hindi monetaryong implasyon o istabilisasyon ang maaaring magsilbi bilang mga panawagan para sa proletaryado dahil ang mga ito ay dalawang dulo lamang ng isang patpat. Laban sa tumatalong pagtaas ng mga presyo, na sa pagdating ng digmaan ay magkakaroon ng papalaki at di-mapipigilang katangian, ang isa ay maaari lamang lumaban sa ilalim ng islogan ng isang papalaking iskala ng mga sahod.Ito ay nangangahulugan na ang mga kolektibong kasunduan ay kinakailangan na magsiguro ng isang awtomatikong pagtaas ng mga sahod sa pagtataas ng mga presyo ng mga produktong konsyumer.

Sa ilalim ng banta ng sarili nitong disentigrasyon, ang proletaryado ay hindi hahayaan ang transpormasyon ng lumalaking seksyon ng mga manggagawa sa mga laging walang trabahong pulubi, na nabubuhay sa mga tira-tira ng isang gumuguhong lipunan. Ang karapatan sa trabahoang tanging seryosong karapatan na natitira sa manggagawa sa isang lipunan na nakabatay sa pagsasamantala. Ang karapatang ito ngayon ay tinatanggal sa kanya sa bawat hakbang. Laban sa kawalan ng trabaho, “structural” man maging “conjunctural”, ang panahon ay hinog na upang isulong kasabay ng islogan ng pampublikong paggawa, ang islogan ngpapaliit na iskala ng oras ng paggawa. Dapat pagsamahin ng mga unyon at iba pang organisasyong masa ang mga manggagawa at walang trabaho sa pagkakaisa ng magkatuwang na responsibilidad. Sa batayang ito lahat ng trabaho ay hahatiin sa pagitan ng lahat ng umiiral na mga manggagawa na alinsunod sa kung paano ang haba ng isang linggo na gawa ay tinutukoy. Ang pinapatakang halaga ng sahod ng bawat manggagawa ay mananatiling pareho sa ilalim ng dating isang lingo na gawa. Ang mga sahod, sa ilalim ng isang istrikto na ginagarantiyangminimum, ay susunod sa galaw ng mga presyo. Imposibleng tanggapin ang anuman na iba pang programa para sa kasalukuyang mapahamak na panahon.

Ang may mga ari-arian at ang kanilang mga abugado ay patutunayan ang pagiging “di-makatotohanan” ng mga panawagang ito. Ang mas maliliit, lalo na ang mga naluging kapitalista, sa karagdagan ay magsasanguni sa kanilang mga account ledger. Matigas na tinutuligsa ng mga manggagawa ang ganyang mga kongklusyon at mga reperensiya. Ang katanungan ay hindi tungkol sa isang “normal” na banggaan ng mga magkalabang materyal na interes. Ang katanungan ay tungkol sa pagbabantay ng proletaryado sa pagkabulok, demoralisasyon at pagkawasak. Ang katanungan ay tungkol sa pagkabuhay o pagkamatay ng tanging mapanlikha at progresibong uri, at dahil diyan ang kinabukasan ng sangkatauhan. Kung hindi kaya ng kapitalismo na bigyan-kasiyahan ang mga panawagan na di-mapigilang sumulpot mula sa kalamidad na ginawa mismo nito kung gayon, hayaan na itong mamatay. Ang “makatotohanan” at “di-makatotohanan” sa isang binibigay na pagkakataon ay katanungan sa relasyon ng mga puwersa, na maaari lamang lutasin sa pamamagitan ng pakikibaka. Sa pamamagitan ng pakikibakang ito, anuman ang maging kagyat na praktikal na tagumpay, mas lalong maiintindihan ng mga manggagawa ang pangangailangan na lusawin ang kapitalistang pang-aalipin.

Mga Unyong Paggawa sa Transisyonal na Kapanahunan

Sa pakikibaka para sa parsyal at transisyunal na mga panawagan, higit na kinakailangan ngayon ng mga manggagawa ang mga organisasyong masa, pangunahin ang mga unyong paggawa. Ang makapangyarihang paglaki ng unyonismo sa Pransya at Estados Unidos ang pinakamalakas na pagsisinungaling sa mga pag-sesermon ng mga labis na maka-kaliwang doktrinaryo na nagtuturo na ang mga unyon ay “lumipas na ang kanilang kahalagahan”.

Ang mga Bolshebik-Leninista ay tumitindig sa harapan ng mga trintsera ng lahat ng klase ng mga pakikibaka, kahit na sila ay nasasangkot lamang sa pinaka-mahina na mga material na interes o mga demokratikong karapatan ng uring manggagawa. Gumagampan siya ng aktibong papel sa masang unyon para sa layuning palakasin sila at pataasin ang kanilang espirito ng militansya. Siya ay lumalaban ng walang pakikipag-kompromiso laban sa anumang pagtatangka na ipailalim ang mga unyon sa burgesyang estado at itali ang proletaryado sa “sapilitang arbitrasyon” at sa anumang porma ng pangangalaga ng pulisya—hindi lang pasista kundi pati “demokratiko”. Tanging sa batayan lamang ng ganyang gawain sa loob ng mga unyon ay maaaring magtagumpay ang pakikibaka laban sa mga repormista, kasama ang mga nasa Stalinistang burukrasya. Ang mga sektaryan na pagtatangka na magbuo o panatilihin ang maliit na “rebolusyonaryong” mga unyon, bilang isang pangalawang edisyon ng partido, ay naghuhudyat sa aktuwal ng ganap na pagsuko ng pakikibaka para sa liderato ng uring manggagawa. Kinakailangang mahigpit na mapagtibay ang ganitong alituntunin: ang sariling pagbubukod ng may palasukong katangian mula sa mga masang unyon, ay katumbas ng pagkakanulo sa rebolusyon, ay hindi nababagay sa kasapian ng Ika-Apat na Internasyonal.

Kasabay nito, mapangahas na iwinawaksi at kinukondena ng Ika-Apat na Internasyonal ang pagkahumaling sa unyon, na kaparehong katangian ng mga unyonista, at sindikalista.

(a) Ang mga unyon sa paggawa, at batay sa kanilang tungkulin, komposisyon, at paraan ng pag-rekrut ng mga kasapi, ay hindi makapag-alok ng isang tapos na rebolusyonaryong programa; bunga nito, hindi nila mapapalitan angpartido. Ang pagbubuo ng mga pambansa na rebolusyonaryong partido bilang seksyon ng Ika-Apat na Internasyonal ang sentral na tungkulin sa transisyunal na kapanahunan.

(b) Ang mga unyon sa paggawa, kahit na ang pinakamalakas, ay umaakap lamang sa hindi hihigit sa 20 hanggang 25 porsyento ng uring manggagawa, at diyan ay, namamayani ang mas sanay at mas mabuting binabayaran na mga baitang. Ang mas pinagsasamantalahang mayorya ng uring manggagawa ay nahahaltak lamang paminsan-minsan sa pakikibaka, sa ilalim ng isang panahon ng eksepsyonal na pagbulwak sa kilusang paggawa. Sa loob ng mga ganyang sandali kinakailangang makapagtayo ng mga ad hoc na organisasyon, na aakap sa kabuuan ng masang lumalaban: mga komiteng strike, komiteng pabrika, at sa kahuli-hulihan, mga sobyet.

(k) Bilang mga organisasyon na nagrerepresenta sa pinaka-tuktok na saray ng proletaryado, ang mga unyon sa paggawa, na ipinakita ng lahat ng mga nakaraang istorikal na karanasan, kabilang ang mga sariwang karanasan ng mga anarko-sindikalistang unyon sa Espanya, ay nagpapa-unlad ng malakas na tendensiya tungo sa kompromiso sa mga burgis-demokratikong rehimen. Sa panahon ng matinding tunggalian ng mga uri, ang mga nangungunang kumakatawan sa mga unyong paggawa ay naglalayong maging mga pinuno ng kilusang masa upang gawin itong hindi makakapanakit. Ito ay nag-uumpisa nang maganap sa ilalim ng panahon ng mga simpleng strike, lalo na sa mga kaso ng mga malawakang sit-down strike na umuuga sa prinsipyo ng burgis na pag-aari. Sa panahon ng digmaan o rebolusyon, kapag ang burgesya ay nalubog na sa eksepsyonal na kahirapan, ang mga lider ng unyong paggawa ay karaniwang nagiging mga burgis na ministro.

Kaya naman, ang mga seksyon ng Ika-Apat na Internasyonal ay kailangan lagi’t-laging nagsusumikap na palitan ang nasa tuktok na liderato ng mga unyong paggawa, walang takot at mapangahas sa mga kritikal na sandali na isinusulong ang mga bago at militanteng mga lider kapalit ng mga karaniwan nang mga pangksyunaryo at mga karerista, pati na rin ang makagawa sa lahat ng posibleng mga pagkakataon ng mga indipendente at militanteng organisasyon na mas malapit na tumutugon sa mga tungkulin ng mga pakikibakang masa laban sa burgis na lipunan; at, kung kinakailangan, hindi maaalog kahit na sa harap ng isang direktang pagbaklas sa mga konserbatibong aparato ng mga unyon sa paggawa. Kung kriminal ang pagtalikod sa mga masang organisasyon para lamang payabungin ang mga sektaryang paksyon, ganoon din naman ang pabayaan sa pamamagitan ng kawalan ng aksyon ang subordinasyon ng rebolusyonaryong kilusang masa sa kontrol ng hayagang reaksyonaryo o nagbibihis na konserbatibo (“progresibo”) na mga burukratikong pangkatin. Ang mga unyon sa paggawa ay hindi ang mismong mga dulo; sila ay mga paraan lamang sa landas ng proletaryong rebolusyon.

Mga Komiteng Pabrika

Sa ilalim ng isang transisyonal na panahon, ang katangian ng kilusang manggagawa ay hindi isang sistematiko at balansyado, kundi mainit at eksplosibo. Ang mga islogan, gayon din ang mga pormang pang-organisasyon ay kinakailangang sumusunod sa mga talatuntunan ng kilusan. Sa pagbabantay laban sa kinagawian nang pangangasiwa ng isang sitwasyon tulad ng pagbabantay laban sa isang salot, ang liderato ay dapat na sensitibong tumugon sa inisyatiba ng mga masa.

Ang mgasit down strike, sa pinakabagong ekspresyon ng ganitong klase ng inisyatiba, ay lumalagpas sa mga limitasyon ng “normal” na kapitalistang pamamaraan. Independente sa mga panawagan ng mga nag-iistrike, ang pansamantalang pag-agaw ng mga pabrika ay nagbibigay ng dagok sa idolo, ang kapitalistang pag-aari. Ipinapahayag ng bawat sit-down strike sa isang praktikal na paraan ang katanungan kung sino ang boss sa pagawaan: ang kapitalista ba o ang mga manggagawa?

Kung ang sit-down strike ay pana-panahong lumilikha ng ganitong katanungan, ang Komiteng Pabrikaang magbibigay ng organisadong ekspresyon nito. Inihalal ng lahat ng mga empleyado ng pabrika, ang mga komiteng pabrika ay kaagad na nakagagawa ng kontra-pabigat sa kagustuhan ng administrasyon.

Sa repormistang kritisismo ng mga boss na kung tawagin ay mga “ekonomikong rolaylista” na tipo tulad ni Ford sa pagkumpara sa mga “mabuti”, “demokratikong” nagsasamantala, isinasalungat namin ang islogan ng mga komiteng pabrika bilang mga sentro ng pakikibaka laban sa una at pangalawang nabanggit.

Ang mga burukrata ng mga unyon, bilang pangkalahatang tuntunin, ay tutol sa pagtatayo ng mga komiteng pabrika, tulad ng kanilang pagtutol sa bawat mapangahas na hakbang sa daanan ng pagpapakilos ng mga masa.

Gayon man, mas malawak ang napapa-abutan ng kilusan, mas madali nitong mababali ang pagtutol na ito. Kung saan ang mga saradong pagawaan ay naitayo na sa “mapayapang” kapanahunan, ang komite ay pormal na sasabay sa nakagawian nang organo ng unyon, subalit babaguhin ang mga tauhan at palalawakin ang mga tungkulin nito. Ang pangunahing kahalagahan ng komite, gayon man, ay nakabatay sa katotohanan na ito ang nagiging militanteng istap para sa mga gayong saray ng uring manggagawa, dahil ang mga unyon ay karaniwang hindi makagawa ng mga aksyon. Mula sa mga mas pinag-sasamantalahang baitang na ito mismo na ang mga pinaka-mapag-sakripisyong batalyon ng rebolusyon ay manggagaling.

Mula sa sandali na ang mga komite ay makapag-pakita, matatatag sa pabrika ang isang maka-totohanan na dalawahang kapangyariahan. Sa pinaka-esensya kinakatawan nito ang transisyonal na kalagayan, dahil pinagsasama nito mismo ang dalawang di-mapagkakasundong rehimen: ang kapitalista at ang proletaryo. Ang pundamental na kahalagahan ng mga komiteng pabrika ay nakabatay sa katotohanang binubuksan nila ang mga pintuan kundi man sa isang direktang rebolusyonaryo, sa isang bago mag-rebolusyonaryong panahon—sa pagitan ng burgis at proletaryong rehimen. Na sa pagpapakalat ng ideya ng komiteng pabrika ay hilaw pa o artipisyal ay malawakang pinatibayan ng mga bugso ng mga sit-down strike na kumakalat sa kung ilang bansa. Ang mga bagong bugso ng ganitong tipo ay hindi mapipigilan sa nalalapit na hinaharap. Dapat na umpisahan ang isang kampanya na pumapabor sa mga komiteng pabrika sa lalong madaling panahon upang hindi mabigla.

Mga “Sikreto sa Negosyo” at Kontrol ng mga Manggagawa ng Industriya

Ang liberal na kapitalismo, na nakabatay sa kompetisyon at malayang kalakalan, ay kumpleto nang nawala sa nakaraan. Ang pumalit rito, ang monopolistikong kapitalismo, ay hindi lang hindi pinagagaan ang anarkiya ng merkado, kundi sa kabaliktaran, binibigyan ito ng isang partikular na sumasabog na katangian. Ang pangangailangan ng “pag-kontrol” ng ekonomiya, ng paglalagay ng pang-estadong “giya” sa industriya at ng “pagpa-plano” ay kinikilala ngayon—kahit man lang sa salita—ng halos lahat ng kasalukuyang burgis at peti-burgis na tendensiya, mula pasista hanggang Sosyal-Demokratiko. Sa mga pasista, ito sa pangunahin ay isang katanungan ng “planadong” pandarambong ng bayan para sa mga militar na gamit. Ang mga Sosyal Demokrata ay inihahanda na limasin ang dagat ng anarkiya ng kutsa-kutsarang burukratiko na “papa-plano.” Ang mga inhinyero at propesor ay nagsusulat ng mga artikulo tungkol sa “teknokrasya.” Sa kanilang duwag na mga eksperimento sa “regulasyon,” ang mga demokratikong gubyerno ay patakbong babangga patungo sa nakatagong sabotahe ng malaking kapital.

Ang aktwal na relasyong namamagitan sa pagitan ng mga mapagsamantala at sa mga demokratikong “taga-kontrol” ay pinakamahusay na mailalarawan sa katotohanan na ang mag ginoong mga “repormador” ay animo’y relihiyosong natatakot sa harapan ng mga trust at kanilang mga “sikreto” sa negosyo. Dito ang prinsipyo ng “walang-pakikialam” sa negosyo ay dominante. Ang mga account na hinahawakan ng mga indibidwal na kapitalista at lipunan ay nanatiling sikreto ng kapitalista: hindi sila dapat pinapaki-alaman ng lipunan. Ang motibasyong inihahapag para sa prinsipyo ng mga “sikreto” sa negosyo raw, tulad sa kapanahunan ng liberal na kapitalismo, ay ang malayang “kompetisyon.” Sa realidad, ang mga trust ay hindi nagtatago ng mga sikreto mula sa isa’t-isa. Ang mga sikreto sa negosyo sa kasalukuyang kapanahunan ay bahagi ng isang determinadong balak na lihim ng monopolyo kapitalismo laban sa interes ng lipunan. Ang mga proyekto para limitahan ang awtokrasya ng “mga pang-ekonomiyang royalista” ay magpapatuloy na mga kahabag-habag na pagkukunwari hangga’t ang mga pribadong nagmamay-ari ng mga sosyal na pamamaraan ng produksyon ay maita-tago ang mga makinasyon ng pagsasamantala, pagnanakaw, at pandaraya mula sa mga tagapag-likha at konsumer. Ang abolisyon ng mga “sikreto sa negosyo” ang unang hakbang tungo sa aktwal na kontrol ng industriya.

Ang mga manggagawa hindi lang ang mga kapitalista ang may karapatang malaman ang mga “sikreto” ng pabrika, ng trust, ng buong sangay ng industriya, ng pambansang ekonomiya sa pang-kabuuan. Una at una sa lahat, ang mga bangko, ang mabigat na industriya at ang sentralisadong transportasyon ay kinakailangang mailagay sa pagsusuri ng isang salaming pang-obserba.

Ang kinakailangan na kagyat na tungkulin ng pagkontrol ng mga manggagawa ay ipaliwanag ang mga debito at kredito ng lipunan, umpisa na sa mga indibidwal na gawain ng negosyo; malaman ang aktuwal na bahagi ng pambansang kita na kinukuha ng mga indibidwal na kapitalista at ng mga mapagsamantala sa pangkabuuan, ilantad ang mga patalikod na pakikipag-ayos at panunuba ng mga bangko at trust; panghuli, ipahayag sa lahat ng kasapi ng lipunan ang walang kapararakang panlulustay ng paggawa ng tao na resulta ng kapitalistang anarkiya at ang payak na paghahabol ng mga tubo. Walang nagtra-trabaho sa burgis na estado ang nasa posisyon upang ipatupad ang gawaing ito, kahit gaano pa man kalaki ang ipataw na awtoridad ng isa sa sarili niya. Ang buong mundo ang testigo sa kainutilan ni Presidente Roosevelt at Primyer Blum laban sa mga lihim na pagbabalak ng “60” o “200 na mga pamilya” ng kani-kanilang bansa. Upang mabali ang pagtutol ng mga mapagsamantala, kinakailangan ang presyur ng mga masang proletaryado. Tanging sa pamamagitan ng mga komiteng pabrika maisasakatuparan ang tunay na pagkontrol ng produksyon, na ipinapatawag—bilang mga konsultant at hindi bilang mga “teknokrata”—ang mga ispesyalista na sinserong deboto sa mga mamamayan, mga accountant, mga istatistisyan, mga inhinyero, mga siyentipiko, atbp.

Ang pakikibaka laban sa kawalan ng trabaho ay hindi dapat ikonsidera kung walang panawagan para sa isang malawak at mapangahas na organisasyon ng pampublikong paggawa.Subalit ang pampublikong paggawa ay maaaring magkaroon ng isang tuloy-tuloy at progresibong kahalagahan sa lipunan, para sa mga walang trabaho mismo, kung ang mga ito ay magiging bahagi ng isang pangkalahatang plano, na sinuri upang maka-abot ng konsiderableng bilang ng taon. Sa loob ng planong ito, ang mga manggagawa ay mananawagan ng muling pagpapatakbo, bilang mga pampublikong mga utilidad, ng gawa sa mga pribadong negosyo na nagsara bilang resulta ng krisis. Ang kontrol ng mga manggagawa sa mga kasong ganyan: ay mapapalitan ng direktang pamamahala ng mga manggagawa.

Ang pagbubuo ng kahit na pinaka-elementarya na planong pang-ekonomiya—sa pananaw ng pinagsa-samantalahan ay imposible kung wala ang direktang kontrol ng mga manggagawa, iyan ay, kung wala ang penetrasyon ng mga mata ng mga manggagawa sa lahat ng naka-lantad at nakatagong spring ng kapitalistang ekonomiya. Ang mga komiteng kumakatawan sa mga indibidwal na impresang pang-negosyo ay kinakailangang magkita sa mga kumperensya upang maka-pamili ng katumbas na komite sa mga trust, sa buong sangay ng industriya, sa mga rehiyong pang-ekonomiya, at panghuli, sa pambansang industriya sa pangkabuuan. Kaya naman, ang kontrol ng mga manggagawa ang magiging isangpaaralan para sa planadong ekonomiya. Sa batayan ng karanasan sa pag-kontrol, maihahanda ng proletaryado ang sarili para sa direktang pagpapatakbo ng nasyonalisadong industriya kapag dumating ang panahong ito.

Sa mga kapitalista, lalo na ang mga nagmula sa mga nakabababa at pang-gitnang antas, na sa kanilang sariling pagsang-ayon ay manaka-nakang inihahapag na buksan ang kanilang mga libro sa mga manggagawa—na kalimitan ay upang maipakita ang pangangailangan ng pagpapababa ng sahod—ang sagot ng mga manggagawa ay hindi sila interesado sa book-keeping ng mga indibidwal na nalugi at malulugi na mga kapitalista kundi sa mga account ledger ng lahat ng mga nagsasamantala sa pangkabuuan. Ang mga manggagawa ay hindi maari at hindi ninanais na maibigay ang antas ng kanilang kondisyon ng buhay sa mga panawagan ng mga indibidwal na mga kapitalista, na mga biktima mismo ng kanilang sariling rehimen. Ang tungkulin ay hinggil sa pagrere-organisa ng buong sistema ng produksyon at distribution sa isang mas marangal at mas maayos na batayan. Kung ang abolisyon ng mga sikreto sa negosyo ay isang kinakailangang kondisyon sa pag-kontrol ng mga manggagawa, ang pag-kontrol ang unang hakbang sa kalsada ng sosyalistang paggi-giya ng ekonomiya.

Ekspropriasyon ng mga Natatanging Kapitalista

Ang sosyalistang programa ng ekspropriasyon, s.e., ng pulitikal na pagpapatalsik ng burgesya at ang likidasyon ng pang-ekonomiyang dominasyon nito, ay hindi dapat maka-pigil sa atin sa pagsusulong sa anumang kaso, kapag hiningi ng okasyon, ang panawagan para sa ekspropriasyon ng ilang susing sangay ng industriya na mahalaga para sa pambansang buhay o pinaka-parasitiko na grupo ng burgesya.

Kaya naman bilang sagot sa nakaka-sawa nang mga panaghoy ng mga ginoong-demokrata laban sa diktadurya ng “60 na mga Pamilya” ng Estados Unidos o ng “200 mga Pamilya” ng Pransya, inihahapag namin ang panawagan para sa ekspropriasyon ng 60 o 200 na pyudalistiko na kapitalistang panginoon na mga ito.

Sa mismong parehong paraan namin ipinananawagan ang ekspropriasyon ng mga korporasyong nagmo-monopolyo ng mga industriyang pang-digmaan, mga daang-riles, ang pinaka-importante na mga pinang-gagalingan ng mga hilaw na materyales, atbp.

Ang pagkaka-iba sa pagitan ng mga panawagang ito at sa nakagugulo na islogang repormista na “nasyonalisasyon” ay naka-batay sa mga sumusunod: (1) ibinabasura namin ang indemnipikasyon; (2) binibigyan namin ng babala ang mga masa laban sa mga demagoge ng Prenteng Bayan na, habang nagbibigay ng manaka-nakang serbisyo sa nasyonalisasyon, sa realidad ay nananatiling mga ahente ng kapital; (3) nananawagan kami sa mga masa na umasa lamang sa sarili nitong rebolusyonaryong lakas; (4) ikinakabit namin ang katanungan ng ekspropriasyon sa pag-agaw ng kapangyarihan ng mga manggagawa at magsasaka.

Ang pangangailangan ng pagsusulong ng islogan ng ekspropriasyon sa kurso ng pang-araw-araw na ahitasyon sa parsyal na porma, at hindi lamang sa ating propaganda sa mas komprehensibong aspeto nito, ay idinidikta ng katotohanan na ang iba’t-ibang sangay ng industriya ay nasa iba’t-ibang antas ng pag-unlad, nasa iba’t-ibang lugar sa buhay ng lipuan, at dumaan sa iba’t-ibang antas ng tunggaliaan ng mga uri. Tanging ang isang pangkalahatan na rebolusyonaryong pagbulwak ng proletaryado maaaring mailalagay ang kumpletong ekspropriasyon ng burgesya sa atas ng araw. Ang tungkulin ng transisyonal na mga panawagan ay maihanda ang proletaryado na lutasin ang problemang ito.

Ekspropriasyon ng mga Pribadong Bangko at Estado-isasyon ng Sistemang Pautang

Ang imperyalismo ay nangangahulgan ng dominasyon ngpinansyang kapital. Kasabay ng mga trust at mga sindikato, na kadalasang mas umaangat pa sa kanila, ang mga bangkoay naka-konsentra sa kanilang mga kamay ang aktwal na kapangyarihan sa ekonomiya. Sa kanilang istruktura ipinapahayag ng mga bangko sa isang konsentradong porma ang buong istruktura ng kapital: ipinagsasama nila ang mga tendensya ng monopolyoat mga tendensya nganarkiya. Ino-organisa nila ang mga himala ng teknolohiya, mga malalaking negosyo, mga makapangyarihang trust; at inoorganisa rin nila ang mga matataas na presyo, mga krisis at kawalan ng trabaho. Imposible na makagawa ng isang seryosong hakbang sa pakikibaka laban sa monopolistikong despotismo at kapitalistang anarkiya—na nagtutulungan sa isa’t-isa sa kanilang gawaing mapangwasak—kung ang mga commanding post ng mga bangko ay maiiwan sa mga kamay ng mga gahaman na kapitalista. Upang makagawa ng isang pinag-isang sistema ng mga pamuhunan at mga kredito, na nakabatay sa isang rasyonal na plano na tumutugon sa interes ng buong bayan, kinakailangang pagsama-samahin ang lahat ng mga bangko sa iisang pambansang institusyon. Tanging ang ekspropriasyon ng mga pribadong bangko at ang konsentrasyon ng buong sistemang kredito sa kamay ng estado ang magbibigay sa huli ng kinakailangang aktwal, s.e., ng mga material na yaman—at hindi lamang sa papel at burukratikong kayamanan—para sa ekonomiyang pagpa-plano.

Ang ekspropriasyon ng mga bangko ay hindi nangangahulugan ng ekspropriasyon ng mga deposito sa bangko. Sa kabilang banda, ang nag-iisang estadong bangkoay makagagawa ng mas paborableng mga kondisyon para sa mga maliliit na mga nagde-deposito kaysa sa mga pribadong mga bangko. Sa ganyang paraan, tanging ang estadong bangko ang magpapatibay para sa mga magsasaka, mga negosyante, at mga maliliit na mangangalakal ng mga kondisyon na paborable, iyon ay, murang pautang. Subalit, ang mas importante, ay ang sirkumstansya na ang buong ekonomiya—una at una sa lahat ang malakihang industriya at transportasyon na pinamamatnugutan ng isang pampinansyang grupo ng mga tauhan na magsisilbi sa mga lubhang mahalaga na interes ng mga manggagawa at lahat ng iba pang anak-pawis.

Subalit, ang statisasyon ng mga bangko ang makagagawa ng mga ganitong paborableng mga resulta kung ang kapangyarihang pang-estado mismo ay naipasa ng buong-buo sa mga kamay ng anak-pawis mula sa mga kamay ng mga mapag-samantala.

Ang Piket Layn, mga Bantay Pandepensa / Milisyang Manggagawa at Ang Pag-aarmas ng Proletaryado

Ang mga sit-down strike ay mga seryosong pagbabanta ng mga masa na naka-patungkol hindi lang sa burgesya kundi pati rin sa mga organisasyon ng mga manggagawa, kasama na ang Ika-Apat na Internasyonal. Noong 1919-20, inagaw ng mga Italyanong manggagawa ang mga pabrika sa kanilang sariling inisyatiba, na naging hudyat ng balita sa kanilang mga “pinuno” ng paparating na sosyal na rebolusyon. Hindi inalintana ng mga “pinuno” ang senyales. Ang tagumpay ng pasismo ang naging resulta.

Ang mga sit-down strike ay hindi pa nangangahulugan ng pag-agaw ng mga pabrika sa paraang Italyano, subalit sila ay isang mapagpasyang hakbang tungo sa mga nabanggit na pag-agaw. Maaaring mapatalas ang tunggalian ng mga uri ng kasalukuyang krisis sa isang sukdulang punto at makapagdala papalapit sa sandali ng pagtatapos. Subalit hindi ito nangangahulugan na ang isang rebolusyonaryong sitwasyon ay susulpot sa isang kumpas. Sa katunayan, ang pagdating nito ay ihu-hudyat ng isang tuloy-tuloy na serye ng kombulsyon. Isa rito ay ang sunod-sunod na mga sit-down strike. Ang problema ng mga seksyon ng Ika-Apat na Internasyonal ay tulungan ang proletaryong banggardo na maintindihan ang pangkalahatang katangian at bilis ng ating panahon at magbunga sa panahon ang pakikibaka ng mga masa ng mga mas mapangahas at militanteng organisasyonal na mga hakbangin. Ang pagpapatalas ng pakikibaka ng proletaryado ay nangangahulugan ng pagpapatalas rin ng mga paraan ng kontra-atake sa parte ng kapital. Ang mga bagong sit-down strike ay maaaring tumawag at walang dudang tatawag ng mga mas mapangahas na kontra-hakbang sa parte ng burgesya. Ngayon pa lang mga gawaing paghahanda na ang ginagawa ng mga pinag-kakatiwalaang tauhan ng malalaking trust. Kapahamakan sa mga rebolusyonaryong organisasyon, kapahamakan sa proletaryado kung ito ay hindi na naman handa!

Ang burgesya ay hindi pa nasisiyahan sa opisyal ng pulis at sundalo. Sa Estados Unidos kahit na sa ilalim ng “matahimik” na mga panahon, ang burgesya ay nagmi-mintina ng militarisadong bata-batalyong skab at mga pribado na armadong siga sa mga pabrika. Dito ay kailangan nang isama ang iba’t-ibang grupo ng mga Amerikanong Nazi. Sa unang paglapit ng panganib ang Pranses na burgesya ay nagmo-mobilisa ng mga semi-ligal at iligal na mga pasistang destakamento, kasama na riyan ang mga nasa sundalo. Kasabay ng muli na namang paglakas ng presyur ng Ingles na mga manggagawa ay ang agad-agad na pag-doble, triple, at paglaki ng sampung beses ng mga pasistang pulutong upang madugong mag-martsa palabas laban sa mga manggagawa. Lagi’t-lagi ipinababatid ng burgesya sa kanyang sarili sa pinakawastong paraan ang tungkol sa katotohanan na sa kasalukuyang panahon ang tunggalian ng mga uri ay hindi mapipigilang tumungo na matransporma ang sarili sa isang digmaang sibil. Ang mga halimbawa sa Italya, Alemanya, Awstriya, Espanya, at iba pang bansa ay mas nagtuturo pa ng konsiderable sa mga malalaking industriyalista at mga tauhan nito kaysa sa mga opisyal na pinuno ng proletaryado.

Ang mga pulitiko ng Ikalawa at Ikatlong Internasyonal, kasama ang mga burukrata ng mga unyon, ay mulat na isinasara ang kanilang mga mata sa pribadong hukbo ng burgesya; kung hindi, hindi nila mapapanatili ang kanilang alyansa rito kahit man lang 24-oras. Sistematikong nilalagay ng mga repormista sa isipan ng mga manggagawa ang nosyon na ang kasagraduhan ng demokrasya ay pinaka-magandang ginagarantiya kapag ang burgesya ay armado at ang mga manggagawa ay di-armado.

Ang tungkulin ng Ika-Apat na Internasyonal ay tapusin na ang mga ganyang mapang-hamak na pulitika kaagad-agad. Ang mga peti-burgis na demokrata—kasama na ang mga Sosyal-Demokrata, mga Stalinista, at mga Anarkista—sa pagsigaw ng mas maingay hinggil sa pakikibaka laban sa pasismo ay mas patakot na sila ay sumusuko rito sa aktuwalidad. Tanging mga armadong destakamento ng mga manggagawa, na nararamdaman ang suporta ng milyon-milyong anak-pawis sa likod nila, ang maaaring matagumpay na mananaig laban sa mga pasistang pulutong. Ang pakikibaka laban sa pasismo ay hindi nag-uumpisa sa mga liberal na opisina ng pamatnugotan kundi sa pabrika—at nagtatapos sa kalye. Ang mga skab at mga pribadong armadong tao sa mga planta ng pabrika ang mga batayang pang-gitnang bahagi ng pasistang hukbo. Ang mga strike piketang batayang pang-gitnang bahagi ng proletaryong hukbo. Ito ang ating punto ng pagkakahiwalay. Kaugnay ng bawat strike at demonstrasyon sa kalye, dapat maipalaganap ang pangangailangan ng pagbubuo ngmga grupo ng mga manggagawa para sa sariling-depensa. Kinakailangang maisulat ang islogang ito sa programa ng rebolusyonaryong sangay ng mga unyon. Kailangan kung saan kakayanin, umpisa na sa mga grupo ng kabataan, na mag-organisa ng mga grupo para sa sariling- depensa, na sila ay sanayin at maipaalam ang paggamit ng mga armas.

Ang bagong pagbulwak ng kilusang masa ay kinakailangang magsilbi hindi lang upang mapalaki ang bilang ng mga ganitong yunit subalit mapagkaisa ang mga ito sa batayan ng mga magkakapit-bahayan, mga siyudad, mga rehiyon. Kinakailangang mabigyan ng organisadong ekspresyon ang makatotohanang pagka-poot ng mga manggagawa sa mga skab at mga pulutong ng mga pangkatin at mga pasista. Kinakailangang isulong ang islogan ng isang milisyang manggagawa bilang nag-iisang seryosong garantiya para sa walang-bahid na organisasyon, mga miting at limbagan ng mga manggagawa.

Tanging sa tulong ng ganitong sistematiko, tuloy-tuloy, walang kapaguran, matapang na ahitasyunal at organisasyunal na gawain, na lagi’t-lagi sa batayan ng karanasan ng mga masa mismo, magiging possible na mabunot mula sa kanilang kamulatan ang mga tradisyon ng pagka-palasunod at pasibidad; makapag-sanay ng mga destakamento ng mga magigiting na mga mandirigma na may kakayanan na makapag-bigay ng halimbawa sa lahat ng anak-pawis; makagawa ng mga serye ng mga taktikal na pagkatalo sa mga armadong siga ng kontra-rebolusyon; mapataas ang kumpyansa sa sarili ng mga pinagsa-samantalahan at inaapi; mai-kompromismo ang pasismo sa mga mata ng peti-burgesya at mailatag ang daan para sa pag-agaw ng kapangyarihan ng proletaryado.

Binibigyang kahulugan ni Engels ang estado bilang mga kinatawan ng mga “armadong tao.” Ang pag-aarmas ng proletaryadoay ang kasabay na kinakailangang elemento sa pakikibaka nito para sa liberasyon. Kapag pinag-pasyahan ng proletaryado, makakakita ito ng daan at paraan sa pag-aarmas. Sa larangang ito, ang liderato ay natural na nakapaloob sa mga seksyon ng Ika-Apat na Internasyonal.

Ang Alyansa ng mga Manggagawa at mga Magsasaka

Ang kapatid-sa-pakikibaka at katumbas ng manggagawa sa kanayunan ay ang agrikultural na manggagawa. Sila ay dalawang parte ng iisa at parehong uri. Ang kanilang mga interes ay hindi mapaghi-hiwalay. Ang programa ng mga transisyunal na mga panawagan ng industriyal na mga manggagawa, na may pagbabago rito at roon, ay programa rin ng agrikultural na proletaryado. Ang mga pesante (mga magsasaka) ay nirere-presenta ng isa pang uri: sila ang peti-burgesya ng nayon. Ang peti-burgesya ay kinalalamanan ng iba’t-ibang antas, mula sa mala-proletaryo hanggang sa mga mapagsamantalang elemento. Kaugnay nito, ang pulitikal na tungkulin ng industriyal na proletaryado ay dalhin ang tunggalian ng mga uri sa kanayunan. Sa ganito lamang niya magagawang magkaroon ng linyang maghihiwalay sa pagitan ng kanyang mga alyado at mga kaaway.

Ang mga pekulyaridad ng pambansang pag-unlad ng bawat bansa ay makikita sa kanilang pinaka-kaibang ekspresyon sa istatus ng mga magsasaka at, sa ilang antas, ng siyudad na peti-burgesya (mga artisano at tindero). Ang mga uri na ito, kahit na gaano ang numerikal na lakas nila, sa esensya ay mga natitirang mga kinatawan ng bago pa ang mga kapitalistang porma ng produksyon. Ang mga seksyon ng Ika-Apat na Internasyonal ay kinakailangang makagawa kasama ang lahat ng posibleng katiyakan ng isang programa ng transisyunal na mga panawagan hinggil sa mga pesante (mga magsasaka) at mga nasa siyudad na peti-burgesya, na naaayon sa mga kondisyon ng bawat bansa. Ang mga abanteng manggagawa ay dapat na matuto na makapag-bigay ng malinaw at kongkretong mga kasagutan sa mga katanungang ihahapag ng kanilang mga alyado sa hinaharap.

Habang ang magsasaka ay mananatili na isang “independenteng” hamak na taga-yari, siya ay nangangailangan ng murang kredito para sa mga agrikultural na makina at pataba sa mga presyo na kaya niyang bayaran, paborableng mga kondisyon ng transportasyon at matapat na organisasyon ng pamilihan para sa kanyang mga agrikultural na produkto. Subalit ang mga bangko, mga trust, ang mga mangangalakal ay ninanakawan ang magsasaka mula sa bawat panig. Tanging ang magsasaka mismo, sa tulong ng mga manggagawa, ang makakapigil sa pagnanakaw na ito. Ang mga komite na hinalal ng mga maliliit na mga magsasakaay kinakailangang makapag-pakita sa pambansang larawan at kasabay sa mga komite ng mga manggagawa at mga komite ng mga empleyado ng bangko ay kunin ng kanilang mga kamay ang kontrol ng transportasyon, kredito, at pangangalakal na operasyon na makaka-apekto sa agrikultura.

Sa pamamagitan ng di-matapat na pagtukoy ng “labis-labis” na mga panawagan ng mga manggagawa, ang malaking burgesya ay may kasanayang i-transporma ang katanungan ng presyo ng kalakalsa isang sinsil na ibinabaon sa pagitan ng mga manggagawa at peti-burgesya ng mga siyudad. Ang pesante, artisano, maliit na mangangalakal, hindi tulad ng industriyal na manggagawa, ng nasa opisina at sibil na serbisyo na empleyado, ay hindi magagawang manawagan ng isang pagtaas sa sahod na tumutugon sa pagtaas ng mga presyo. Ang opisyal na pakikibaka ng gubyerno sa mataas na mga presyo ay isa lamang panloloko sa mga masa. Subalit ang mga magsasaka, mga artisano, mga mangangalakal, sa kanilang kapasidad bilang mga konsyumer, ay maaaring maka-tuntong sa pulitika ng pagtatakda-presyo kabalikat ang mga manggagawa. Sa mga pagdadalamhati ng mga kapitalista hinggil sa mga gastos sa produksyon, ng transportasyon at kalakalan, ang sagot ng mga kosyumer ay: “Ipakita ninyo sa amin ang inyong mga libro, ipinananawagan namin ang kontrol sa pagtatakda ng mga presyo.” Ang mga organo ng pag-kontrol na ito dapat aymga komite sa mga presyo, na nilalaman ng mga delegado mula sa mga pabrika, mga unyon, mga kooperatiba, mga organisasyon ng mga magsasaka, ang “maliliit na mga tao” sa siyudad, mga ina ng tahanan atbp. Sa pamamagitan nito magagawang maipakita ng mga manggagawa sa mga magsasaka na ang tunay na dahilan ng mataas na mga presyo ay hindi ang mataas na mga sahod kundi ang sobrang mga tubo ng mga kapitalista at ang pangkalahatang mga gastusin ng kapitalistang anarkiya.

Ang programa para sa nasyonalisasyon ng lupa at kolektibisasyon ng agrikulturaay kinakailangang maiguhit maige na mula sa pinaka-batayan ay kailangang maihiwalay nito ang posibilidad ng ekspropriasyon ng mga maliliit na magsasaka at ang kanilang lubhang kinakailangan na kolektibisasyon. Ang magsasaka ay mananatiling nagmamay-ari ng kanyang piraso ng lupa hangga’t siya mismo ay naniniwala na ito ay posible at kinakailangan. Upang maibalik sa mabuting pagtingin ang programa ng sosyalismo sa mga mata ng magsasaka, kinakailangan na mailantad ng walang awa ang Stalinistang pamamaraan ng kolektibisasyon, na dinidiktahan hindi ng mga interes ng mga magsasaka o mga manggagawa kundi ng mga interes ng burukrasya.

Ang ekspropriasyon ng mga ekspropriyador ay hindi naman nangangahulugan ng puwersahang kompiskasyon ng pag-aari ng mga artisano at tindero. Laban riyan, ang kontrol ng mga manggagawa sa mga bangko at mga trust—mas mataas pa, ang nasyonalisasyon ng mga bahay kalakal na mga ito, ay makagagawa para sa nasa siyudad na peti-burgesya ng di-maikukumparang mas paborableng kondisyon ng pautang, pagbili at pagbebenta na maaari kaysa sa ilalim ng di-mapigilang dominasyon ng mga monopolyo. Ang pag-asa sa pribadong kapital ay mapapalitan ng pag-asa sa estado, na magiging mas mapag-punyagi sa mga pangangailangan ng mga maliliit na ka-manggagawa at mga ahente nito na mas magpapatibay sa mga anak-pawis mismo na hawakan ang estado sa kanilang mga kamay.

Ang praktikal na aplikasyon ng mga pinagsasamantalahang magsasaka sa pag-kontrol sa iba’t-ibang linya ng ekonomiya ang makapag-papahintulot sa kanila na makapag-pasya para sa kanila mismo kung magiging kapaki-pakinabang para sa kanila na lumipat sa kolektibong pagta-trabaho ng lupa—sa anong petsa at sa anong iskala. Dapat na ikonsidera ng industriyal na mga manggagawa ang kanilang mga sarili na nakatali sa tungkulin na maipakita sa mga magsasaka ang bawat kooperasyon sa paglalakbay sa kalsadang ito: sa pamamagitan ng mga unyon, mga komiteng pabrika, at, ang pinaka-importante, sa pamamagitan ng isang gubyerno ng mga manggagawa at magsasaka.

Ang alyansa na inihahapag ng proletaryado—hindi sa “mga pang-gitnang uri” sa pangkalahatan kundi sa mga pinagsasamantalahang saray ng mga nasa siyudad at bukid na peti-burgesya, laban sa lahat ng mapagsamantala, kasama na ang mga nasa “pang-gitnang uri”—ay maaaring ibatay hindi sa kompulsyon kundi tanging sa malayang pahintulot na dapat na maikonsolida sa isang ispesyal na “kontrata.” Ang “kontratang” ito ay ang programa ng mga transisyunal na mga panawagan na boluntaryong tinatanggap ng magkabilang panig.

Ang Pakikibaka Laban sa Imperyalismo at Digmaan

Ang buong pandagdigang pananaw, at dahil riyan ang panloob na pulitikal na buhay rin ng indibidwal na mga bansa, ay nababalot sa ulap ng banta ng digmaang pandaigdig. Ngayon pa lang, ang di-mapipigilang kapahamakan ay nagdadala ng mga malalakas na mga alon ng aprehensyon sa pinaka-malawak na mga masa ng sangkatauhan.

Inuulit muli ng Ikalawang Internasyonal ang napakasamang pulitika nito noong 1914 ng may kasamang mas malalaking pangako dahil ngayon ang Comintern ang nagpapatugtog ng unang biyolin ng sobinismo. Kasingbilis ng babala ng digmaan na gumampan ng kongkretong balangkas ang mga Stalinista, na maliwanag na nilagpasan pa ang mga burgis at peti-burgis na mga pasipista, na naging sagad-sagaring tagapag-ingay para sa tinatawag na “pambansang pagtatanggol.” Kaya naman ang rebolusyonaryong pakikibaka laban sa digmaan ay buong-buo na nakasalalay sa balikat ng Ika-Apat na Internasyonal.

Ang Bolshebik-Leninistang patakaran hinggil sa katanungang ito, na binalangkas sa tesis ng Internasyonal na Kalihiman (Digmaan at ang Ika-Apat na Internasyonal, 1934), ay nananatiling buo ang lahat ng lakas nito ngayon. Sa susunod na panahon ang isang rebolusyonaryong partido ay nakasalig para sa tagumpay pangunahin sa patakaran nito hinggil sa katanungan ng digmaan. Ang isang tamang patakaran ay binubuo ng dalawang elemento: ang walang anumang kompromisong palagay sa imperyalismo at digmaan nito at ang abilidad na ibatay ang programa nito sa karanasan ng mga masa mismo.

Ang burgesya at mga ahente nito ay ginagamit ang katanungan ng digmaan, higit sa lahat, upang lokohin ang mamamayan sa pamamagitan ng mga abstraksyon, mga pangkalahatang pormula, nakapanli-linlang na pananalita: “nyutralidad,” kolektibong seguridad,” pag-aarmas para depensahan ang kapayapaan,” “pambansang pagtatanggol,” “pakikibaka laban sa pasismo,” at kung ano-ano pa. Ang lahat ng nasabing mga pormula ay pinaliliit ang sarili sa dulo ng katotohanan na ang katanungan ng digmaan, s.e., ang kahihinatnan ng mamamayan, ay nananatili sa mga kamay ng mga imperyalista, ang kanilang namamahalang mga tauhan, ang kanilang diplomasya, ang kanilang mga heneral, kasama ang lahat ng kanilang mga intriga at masamang-balak laban sa mamamayan.

Tinatanggihan ng may pagkasuklam ng Ika-Apat na Internasyonal ang lahat ng nasabing mga abstraksyon na umaaktong kasingtulad na papel sa demokratikong kampo pati na rin sa pasistang kampo: “karangalan,” “kadugo,” “kalahi.” Subalit ang pagkasuklam ay hindi sapat. Kinakailangan na matulungan ang mga masa na maihiwalay, sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga mapagpasyang salik, mga islogan, mga panawagan, ang kongkretong esensya ng huwad na mga abstraksyong iyan.

“Pagdis-arma?”—Subalit ng buong katanungan ay umiikot sa kung sino ang magdi-disarma kanino. Ang tanging pagdidis-arma na makapagpigil at makakatapos ng digmaan ay ang pagdidis-arma ng burgesya ng mga manggagawa. Subalit upang madisarmahan ang burgesya, kinakailangan ng mga manggagawa na armasan ang kanilang sarili.

“Nyutralidad?”—Subalit ang proletaryado ay hindi nyutral sa digmaan sa pagitan ng Hapon at Tsina, o sa isang digmaan pagitan ng Alemanya at USSR. “Kaya ang ibig sabihin ba ay depensa ng Tsina at USSR?” Oo naman! Subalit hindi ng mga imperyalista na sasakalin ang Tsina at ang USSR.

“Depensa ng Amang Bayan?” Subalit sa abstraksyon na ito, ang burgesya ay naiintindihan ang depensa ng tubo at pandarambong nito. Tumitindig kami na handang depensahan ang amang bayan mula sa mga dayuhang kapitalista, kung amin munang maitatali ang sarilin naming (mga kapitalista) kamay at paa at pigilan silang atakehin ang mga dayuhang amang bayan; kung ang mga manggagawa at mga magsasaka ng aming mga bansa ang magiging tunay na mga amo nito, ang kayamanan ng bansa ay maililipat mula sa mga kamay ng maliit na minoridad tungo sa mga kamay ng bayan; kung ang hukbo ay magiging kasangkapan ng pinagsasamantalahan at hindi ng mga mapagsamantala.

Kinakailangan na maipaliwanag ang mga pundamental na mga ideyang ito sa paghahati nila sa mga mas kongkreto at parsyal na mga ideya, nakasalalay sa kurso ng mga kaganapan at sa oryentasyon ng pagtingin ng mga masa. Dagdag pa, kinakailangan na istriktong mapag-kaiba ang pasipismo ng diplomata, ng propesor, ng mamamahayag, sa pagitan ng pasipismo ng karpentero, ng agrikultural na manggagawa at ng ulingera. Sa isang kaso, ang pasipismo ay isang panabing para sa imperyalismo; sa kabilang banda, ito ay ang nalitong ekspresyon ng di-pagtitiwala sa imperyalismo. Kapag ang maliit na magsasaka o ang manggagawa ay nagsasalita tungkol sa pagdepensa ng amang bayan, ang kanyang ibig sabihin ay ang depensa ng kanyang tahanan, ng kanyang pamilya, at ng ibang kapareho na mga pamilya mula sa pananakop, mga bomba at nakalalasong gas. Ang pagkaintindi sa depensa ng amang bayan ng kapitalista at ng kanyang mamamahayag ay ang pag-agaw ng mga kolonya at mga pamilihan, at ang ganid na pagpapalaki ng “pambansang” hati sa pandaigdigang kita. Ang burgis na pasipismo at ang patriyotismo ay punong-puno ng kasinungalingan. Sa pasipismo at kahit na sa patriyotismo ng mga inaapi, may mga elemento na sumasalamin sa isang banda ng pagkamuhi sa mapangwasak na digmaan, sa kabilang banda naman ay ang pagkapit sa tingin nilang makabubuti para sa kanila—mga elemento na dapat nating malaman kung paano masusunggaban upang makagawa ng mga kinakailangang kongklusyon.

Sa paggamit ng mga konsiderasyon na ito bilang punto ng paghiwalay, sinusuportahan ng Ika-Apat na Internasyonal ang bawat, kahit na kulang, panawagan, kung mahahatak nito ang mga masa tungo sa isang antas ng aktibong pulitika, mamulat ang kanilang kritisismo at mapalakas ang kanilang kontrol sa kabila ng mga makinasyon ng burgesya.

Mula sa ganitong punto de bista, ang ating Amerikanong seksyon, halimbawa, ay buong-buo na sumusuporta sa mungkahi para sa pagtatatag ng isang reperendum hinggil sa katanungan ng pagdedeklara ng digmaan. Walang demokratikong reporma, sa pagkaka-unawa rito, ang maaari sa kanyang sarili na makapigil sa mga naghahari mula sa pagiging sanhi ng digmaan kapag ginusto nila ito. Kinakailangan na makapagbigay ng prangka na babala hinggil rito. Subalit sa kabila ng mga ilusyon ng mga masa hinggil sa mungkahi na reperendum, ang kanilang suporta rito ay sumasalamin sa hindi pagtitiwala na nararamdaman ng mga manggagawa at magsasaka sa burgis na gubyerno at Kongreso. Habang walang pagsuporta at walang paglalaan ng mga ilusyon, kinakailangang suportahan kalakip ang lahat ng posibleng lakas ang progresibong di-pagtitiwala ng mga pinagsasamantalahan tungo sa mga mapagsamantala. Mas magiging laganap ang kilusan para sa reperendum, mas kaagad-agad na ang mga burgis na pasipista ay lalayo mula rito; mas magiging kumpleto na mako-kompromiso ang mga pagtataksil ng Comintern; mas magiging matindi ang di-pagtitiwala ng mga imeryalista.

Mula sa pananaw na ito, dapat na isulong ang panawagang: elektoral na mga karapatan para sa mga kalalakihan at kababaihan na may edad na 18. Ang mga ipapatawag na mamamatay para sa amang bayan bukas ay dapat magkaroon ng karapatang bumoto ngayon. Ang pakikibaka laban sa digmaan ay kinakailangan una sa lahat ay mag-umpisa sarebolusyonaryong mobilisasyon ng kabataan.

Dapat na mabigyang liwanag ang problema ng digmaan mula sa lahat ng angulo, na nakasabit sa gilid nito kung saan ito ay kukumpronta sa mga masa sa ibinigay na sandali.

Ang digmaan ay isang napakalaking komersyal na negosyo, lalo na sa industriyang pandigma. Kaya naman ang “60 mga Pamilya” ang mga nangungunang mga patriyotiko at ang mga nangungunang probokador ng digmaan. Ang pagkontrol ng mga manggagawa ng mga industriyang pandigmaang unang hakbang sa pakikibaka laban sa “mga taga-gawa” ng digmaan.

Sa islogan ng mga repormista na:pagbubuwis sa pang-militar na tubo, aming kasalungat na ipinahahayag ang mga islogang: kumpiskasyon ng mga pang-militar na tuboatekspropriasyon ng mga industriyang pandigma. Kung saan ang pang-militar na industriya ay “nasyonalisado,” tulad ng sa Pransya, ang islogang pagkontrol ng mga manggagawaay napapanatili ang buong kapangyarihan nito. Ang proletaryado ay may kasing-liit na kumpyansa sa gubyerno ng burgesya tulad ng sa isang indibidwal na kapitalista.

Wala ni isang tao at ni isang pera para sa burgis na gubyerno!

Hindi isang armamentong programa kundi isang programa ng mga pampublikong gawa!

Kumpletong independensya ng mga organisasyon ng mga manggagawa mula sa militar-pulis na kontrol!

Dapat na nating agawin mula sa mga kamay ng mga ganid at walang awa na mga imperyalistang samahan, na ini-iskema sa likod ng mga mamamayan, ang disposisyon ng kapalaran ng mamamayan.

Kasabay nito, kami ay nananawagan ng:

Kumpletong abolisyon ng sikreto na diplomasya; lahat ng mga tratado at kasunduan ay dapat gawing laging bukas sa lahat ng mga manggagawa at mga magsasaka;

Ang militar na pagsasanay at ang pag-aarmas ng mga manggagawa at ng mga magsasaka ay ipailalim sa direktang kontrol ng mga komite ng mga manggagawa at magsasaka;

Pagbubuo ng mga paaralang militar para sa pagsasany ng mga kumander sa hanay ng mga anak-pawis, na pinili ng mga organisasyon ng mga manggagawa;

Pagpapalit ng nakatayong hukbo ng isangmilisyang bayan, na permanenteng nakakabit sa mga pabrika, mga minahan, mga bukirin, atbp.

Ang imperyalistang digmaan ay ang pagpapatuloy at pagpapatalas na ganid na pulitika ng burgesya. Ang pakikibaka ng proletaryado laban sa digmaan ay ang pagpapatuloy at pagpapatalas ng maka-uring pakikitunggali nito. Ang pagsisimula ng digmaan ay magpapabago sa sitwasyon at sa isang bahagi ng mga pamamaraan ng pakikibaka sa pagitan ng mga uri, subalit hindi ang layunin at ang batayang kurso.

Ang imperyalistang burgesya ang nagdo-domina ng mundo. Kaya naman sa batayang katangian nito ang paparating na digmaan ay imperyalistang digman. Ang pundamental na nilalaman ng mga pulitika ng proletaryado ay ang pakikibaka laban sa imperyalismo at digmaan nito. Sa pakikibakang ito ang batayang prinsipyo ay: “ang pangunahing kaaway ay nasa sarili ninyongbansa” o “ang pagkatalo ng sarili ninyong(imperyalistang) gubyerno ay ang mas maliit na kasamaan”.

Subalit hindi lahat ng bansa ng mundo ay mga imperyalistang bansa. Laban rito, ang mayorya ay mga biktima ng imperyalismo. Ilan sa mga kolonyal at mala-kolonyal na bansa ay tiyak na susubukan na gamitin ang digmaan upang maalis ang paod ng pang-aalipin. Ang kanilang digmaan ay hindi imperyalista kundi mapagpalaya. Magiging tungkulin ng iternasyonal na proletaryado na tulungan ang mga inaaping bansa sa kanilang pakikidigma laban sa mga mapang-api. Ang kahilintulad na tungkulin ang ginagamit patungkol sa pagtulong sa USSR, o anumang iba pa na gubyerno ng mga manggagawa na maaaring sumibol bago ang digmaan at sa panahon ng digmaan. Ang pagkatalo ng bawatimperyalistang gubyerno sa pakikibaka sa estado ng mga manggagawa o sa isang kolonyal na bansa ay ang mas maliit na kasamaan.

Ang mga manggagawa ng mga imperyalistang bansa, gayon man, ay hindi matutulungan ang isang anti-imperyalistang bansa sa pamamagitan ng sarili nilang gubyerno, anuman ang mga maaaring maging diplomatiko at militar na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa isang bigay na sandali. Kung matagpuan ng mga gubyerno ang kanilang mga sarili sa isang pansamantala at, sa pinaka-esensya ng bagay na ito, di-mapagkakatiwalaang alyansa, ang proletaryado ng imperyalistang bansa sa ganoon ay patuloy na mananatili sa maka-uring oposisyon sa sarili nitong gubyerno at sinusuportahan ang hindi-imperyalistang “alyado” sa pamamagitan ng sarili nitongmga pamamaraan, s.e., sa pamamagitan ng mga pamamaraan ng internasyonal ng maka-uring pakikitungali (ahitasyon hindi lang laban sa kanilang di-matatapat na mga alyado, kundi pag-pabor rin sa isang estado ng mga manggagawa sa isang kolonyal na bansa; boykot, mga strike, at sa isang kaso; pagbasura ng mga boykot, at mga strike sa isa pang kaso, atbp.)

Sa pagsuporta sa kolonyal na bansa o sa USSR sa isang digmaan, ang proletaryado ay hindi kahit sa pinaka-maliit na antas nakikipag-kaisa sa alin man sa dalawa sa burgis na gubyerno ng kolonyal na bansa o sa Termidoryan na burukrasya ng USSR. Laban rito, ipinananatili nito ang buong pulitikal na independensya mula sa isa’t-isa. Sa pagbibigay ng tulong sa isang makatarungan at progresibong digmaan, ang rebolusyonaryong proletaryado ay nakukuha ang simpatya ng mga manggagawa sa mga kolonya at sa USSR, napapalakas roon ang otoridad at impluwensya ng Ika-Apat na Internasyonal, at napapalakas ang abilidad na makatulong na mapatalsik ang burgis na gubyerno sa kolonyal na bansa, ang reaksyonaryong burukrasya sa USSR.

Sa pagsisimula ng digmaan ang mga seksyon ng Ika-Apat na Internasyonal ay di-mapipigilan na maramdaman nila mismo na mabukod: sa bawat digmaan ang pambansang mga masa ay nakakabig ng walang kaalam-alam at tinutulak sila sa tabi ng aparato ng gubyerno. Ang mga internasyonalista ay kinakailangang lumangoy ng salungat sa agos. Gayon man, ang lubhang pinsala at karukhaan na dala ng bagong digmaan, na sa unang mga buwan ay malayong malalagpasan ang mga madugong pagkasuklam ng 1914-1918, ay mabilis na makapag-papatunay ng katinuan. Ang diskuntento ng mga masa at ang kanilang pag-aalsa ay papatalon at papalawak na lalaki. Ang mga seksyon ng Ika-Apat na Internasyonal ay makikita sa unahan ng rebolusyonaryong agos. Ang programa ng mga transisyunal na panawagan ay makakakuha ng nagbabagang aktuwalidad. Ang problema ng pag-agaw ng kapangyarihan ng proletaryado ay makikita sa buong katayuan.

Bago mapagod o malunod ang sangkatauhan sa dugo, pasasamain ng kapitalismo ang kalangitan ng mundo sa nakalalasong singaw ng pambansa at panlahing pagkapoot. Ang anti-Semitismongayon ang isa sa pinaka-masama na kongklusyon ng naghihingalong pagkamatay ng kapitalismo.

Ang isang walang anumang kompromisong paglalahad ng mga ugat ng panlahing pagkamuhi at lahat ng mga porma at mga kulay ng pambansang arogansya at sobinismo, partikular ang anti-Semitismo,ay kinakailangang maging bahagi ng pang araw-araw na gawain ng lahat ng mga seksyon ng Ika-Apat na Internasyonal, bilang pinaka-importanteng bahagi ng pakikibaka laban sa imperyalismo at digmaan. Ang ating batayang islogan ay mananatiling: Mga Manggagawa ng Buong Mundo Magkaisa!

Gubyerno ng mga Manggagawa at Magsasaka

Ang pormula na ito, “gubyerno ng mga manggagawa at mga magsasaka,” ay unang lumabas sa ahitasyon ng mga Bolshebik noong 1917 at depinidong kinilala matapos ang Rebolusyong Oktubre. Sa panghuling halimbawa nirerepresenta nito ang hindi na lalagpas pa sa popular na designasyon para sa naitatag na diktadurya ng proletaryado. Ang kahulugan ng designasyong ito ay pangunahing nagmula sa katotohanan na binibigyang-diin nito ang ideya ng alyansa sa pagitan ng proletaryado at ng pesantekung saan ang kapangyarihang Sobyet ay naka-batay.

Nang ang Comintern ng mga napaglipasan ay sinubukan na buhaying-muli ang pormula na nilibing na sa kasaysayan na “demokratikong diktadurya ng proletaryado at pesante,” binigyan nito ang pormula ng “gubyerno ng mga manggagawa at mga pesante” ng isang buong kakaibahan, purong “demokratiko,”s.e., burgis ang nilalaman, kinokontra-posisyonnito sa diktadurya ng proletaryado. Ang mga Bolshebik-Leninista ay mapangahas na ibinasura ang islogan na “gubyerno ng mga manggagawa at mga pesante,” sa burgis-demokratikong bersyon. Pinaninindigan nila noon at pinaninindigan nila ngayon na kapag ang partido ng proletaryado ay tinanggihan na humakbang ng lagpas sa burgis demokratikong limitasyon, ang alyansa nito sa pesante ay simple na nagiging suporta para sa kapital, tulad ng kaso ng mga Menshebik at mga Sosyal Rebolusyonaryo noong 1917, sa Komunistang Partido ng Tsino noong 1925-27, at ngayon ay ang kaso sa “Prente ng Bayan” sa Espanya, Pransya at ibang bansa.

Mula Abril hanggang Setyembre 1917, hiningi ng mga Bolshebik na ang mga S.R. at mga Menshebik ay bumaklas sa liberal na burgesya at kunin ang kapangyarihan sa kanilang sariling mga kamay. Sa ilalim ng probisyong ito ang Bolshebik na Partido ay nangako sa mga Menshebik at S.R., bilang mga peti-burgis na kinatawan ng mga manggagawa at mga pesante, ng rebolusyonaryong tulong nito laban sa burgesya; kinakategoryang tinutulan, ganoon man, na pumasok sa gubyerno ng mga Menshebik at mga S.R. o umako ng pulitikal na responsibilidad para rito. Kung ang mga Menshebik at mga S.R, ay aktwual na bumaklas sa mg Kadet (mga liberal) at sa banyagang imperyalismo, samakatuwid ang “gubyerno ng mga manggagawa at mga pesante” ay maaari lamang nagpabilis at nagbigay-daan sa pagtatatag ng diktadurya ng proletaryado. Subalit ng dahil rito mismo ang liderato ng peti-burgesyang demokrasya ay tumutol ng lahat ng posibleng lakas sa pagtatatag ng sarili nitong gubyerno. Ang karanasan ng Rusya ang nagpakita, at ang karanasan sa Espanya at Pransya ang muli na namang kumumpirma, na kahit sa ilalim ng pinaka-paborableng mga kondisyon ang mga partido ng peti-burgis na demokrasya (mga S.R., mga Sosyal Demokrata, mga Stalinista, mga Anarkista) ay walang kakayahang magbuo ng isang gubyerno ng mga manggagwa at mga pesante, iyan ay, isang gubyerno na independente sa burgesya.

Ganoon pa man, ang panawagan ng mga Bolshebik, na naka-patungkol sa mga Menshebik at mga S.R., “Bumaklas sa burgesya, kunin ang kapangyarihan sa sarili ninyong mga kamay!” ay nagsilbi para sa mga masa bilang napakatindi na pang-edukasyonal na kahalagahan. Ang matigas na pagbabantulot ng mga Menshebik at mga S.R. na kunin ang kapangyarihan, na napaka-dramatikong nabunyag sa panahon ng Mga Araw ng Hulyo, ay depinidong nagpabagsak sa kanila sa harap ng opinyong masa at nagbigay-daan sa tagumpay ng mga Bolshebik.

Ang sentral na tungkulin ng Ika-Apat na Internasyonal ay binubuo ng pagpapalaya sa proletaryado mula sa lumang liderato, kung saan ang konserbatismo ay nasa kumpletong kontradiksyon sa katastropikong pagsabog ng nalulusaw na kapitalismo at tumatayong pangunahing balakid sa makasaysayang progreso. Ang pangunahing akusasyon na isinusulong ng Ika-Apat na Internasyonal laban sa mga tradisyonal na mga organisasyon ng proletaryado ay ang katotohanang hindi nila ninanais na ihiwalay papalayo ang kanilang mga sarili mula sa pulitikal na mala-bangkay ng burgesya. Sa ilalim ng mga kondisyong ito ang panawagan, na sistematikong naka-patungkol sa lumang liderato: “bumaklas sa burgesya, kunin ang kapangyarihan!” ay isang napaka-importanteng armas upang malantad ang taksil na katangian ng mga partido at mga organisasyon ng Ikalawa, Ikatlo at ang Amsterdam na mga Internasyonal. Kaya naman ang islogan na, “gubyerno ng mga manggagawa at mga magsasaka,” ay katanggap-tanggap lamang sa atin sa pakahulugan nito noong 1917 sa mga Bolshebik, s.e., bilang isang anti-burgis at anti kapitalistang islogan, subalit hindi sa anumang kaso nitong “demokratikong” pakahulugan na nitong nakaraan ibinigay ng mga pinaglipasan rito, na binabago ito mula sa pagiging tulay sa Sosyalistang rebolusyon tungo sa pagiging pangunahing balakid sa daraanan nito.

Sa lahat ng mga partido at mga organisasyon na ibina-base ang kanilang sarili sa mga manggagawa at mga pesante at nagsasalita para sa kanilang pangalan, hinihingi namin na sila ay pulitikal na bumaklas mula sa burgesya at pumasok sa daan ng pakikibaka para sa gubyerno ng mga manggagawa at mga magsasaka. Sa daanang ito kami ay nangangako sa kanila ng buong suporta laban sa kapitalistang reaksyon. Kasabay niyan, kami ay walang pagod na magpapaunlad ng mga ahitasyon sa paligid ng mga transisyunal na panawagang iyan na sa aming opinion ay bumubuo ng programa ng “gubyerno ng mga manggagawa at mga magsasaka.”

Ang pagtatayo ba ng nabanggit na gubyerno ng mga tradisyunal na mga organisasyon ng mga mangggagawa ay maaari? Ang mga nakaraang karanasan ang nagpapakita, na naihayag na, na ito ay, sabihin man na pinakamaliit, napakalayo na mangyari. Gayon man, ang isa ay hindi dapat magkategorya na ipagkait sa pagpapauna ang teoretikal na posibilidad na, sa ilalim ng napaka-eksepsyonal na mga sirkumstansya (digmaan, pagkatalo, pampinansyang pagbulusok, pang-masang rebolusyonaryong presyur, atbp.), ang mga peti-burgis na partido, kasama na ang mga Stalinista, ay maaaring makarating sa dinaraanan ng lagpas pa sa kanilang ninais sa isang pagbaklas sa burgesya. Sa anumang kaso isang bagay ang hindi puwedeng maikaila: kahit na ito ay napakalayo na mangyaring alternatibo saan man o minsan ay maging isang realidad at ang “gubyerno ng mga manggagawa at mga pesante” sa nabanggit na pakahulugan ay naitatag sa katotohanan, ito ay kumakatawan lamang ng isang maiksing panahon sa pagtahak ng aktuwal na diktadurya ng proletaryado.

Mga Sobyet

Ang mgakomiteng pabrika, ayon sa naipaliwanag na, ay mga elemento ng dual na kapangyarihan sa loob ng pabrika. Kaya, ang kanilang pananatili ay posible lamang sa ilalim ng mga kondisyon ng papatinding presyur ng mga masa. Gayon din naman ito ay totoo sa mga ispesyal na mga grupo ng masa para sa pakikibakalaban sa digmaan, ng mgakomite ng mga presyo, at lahat ng iba pang mga bagong sentro ng kilusan, ang mismong pagsulpot ng mga ito ay nagpapakita sa katotohanang ang tunggalian ng mga uri ay nag-uumapaw na sa mga limitasyon ng tradisyunal na mga organisasyon ng proletaryado.

Ang mga bago na mga organo at mga sentro na nabanggit, gayon man, sa lalong madaling panahon ay makakaramdam ng kawalan ng kanilang katatagan at ang kanilang di-pagiging sapat. Wala ni isa sa mga transisyunal na mga panawagan ang buong-buo na matutugunan sa ilalim ng mga kondisyon pagpre-preserba ng burgis na rehimen. Kasabay niyan, ang paglala ng mga sosyal na krisis ang magpapalala sa mga paghihirap ng mga masa pati na rin ang kanilang pagkabalisa, pagpipilit, at pag-presyur. Kahit na ang mga bagong saray ng mga pinagsasamantalahan ay magtataas ng kanilang mga ulo at magsusulong ng kanilang mga panawagan. Milyon-milyong pagod na nagpapakahirap na “mga maliliit na tao,” kung saan hindi man lang inaalala ng mga repormistang mga lider ay mag-uumpisang mapilit na babayo sa mga pinto ng mga organisasyon ng mga manggagawa. Ang mga walang trabaho ay sasama sa kilusan. Ang mga agrikultural na mga manggagawa, ang mga nalugi at papaluging mga magsasaka, ang pinagsasamantalahan sa mga siyudad, ang mga manggagawang kababaihan, mga ina ng tahanan, proletaryanisadong saray ng intelihensya—lahat ng mga ito ay maghahanap ng pagkakaisa at pamumuno.

Paano ang mga magkakaibang mga panawagan at mga porma ng pakikibaka ay maipagtutugma, kahit man lang sa mga limitasyon ng isang siyudad? Nasagot na ng kasaysayan ang katanungang ito: sa pamamagitan ng mga sobyet. Ang mga ito ang magkakaisa sa mga kinatawan ng lahat ng mga lumalabang grupo. Para sa layunin na ito, wala pang nakapag-mungkahi ng ibang porma ng organisasyon; talaga naman, mahirap nang makapag-isip pa ng isang mas magaling pa. Ang mga sobyet ay hindi limitado bilang laman ng isang programang pampartido. Binubuksan nila ang kanilang mga pintuan sa lahat ng mga pinagsasamantalahan. Sa mga pintuang iyan ay papasok ang mga kinatawan ng lahat ng saray, na nahigop ng pangkalahatang agos ng pakikibaka. Ang organisasyon, na lumalapad na kasabay ang kilusan ay paulit-ulit na nauumpisahan sa palaanakan nito. Lahat ng pulitikal na daloy ng proletaryado ay maaaring makibaka para sa liderato ng mga sobyet sa batayan ng pinakamalawak na demokrasya. Kaya naman, ang islogan ngmga sobyet, ang kumo-korona sa programa ng transisyunal na mga panawagan.

Ang mga sobyet ay uusbong lamang sa panahon kung saan ang kilusang masa ay pumasok sa isang hayagan na rebolusyonaryong antas. Mula sa unang sandali ng kanilang paglabas, ang mga sobyet, na umaakto bilang ikutan kung sang milyon-milyong mga anak-pawis ay nagkakaisa sa kanilang pakikibaka laban sa mga nagsasamantala, ang magiging mga kumpetitor at kalaban ng mga lokal na otoridad at sa susunod ay ang sentral na gubyerno. Kung ang mga komiteng pabrika ay nakagagawa ng isang dual na kapangyarihan sa pabrika, ang mga sobyet ang mag-iinisyatiba ng dual na kapangyarihan sa bansa.

Ang dual na kapangyarihan sa ganang iyan ang punto na magtatapos sa transisyunal na panahon. Ang dalawang rehimen, ang burgis at ang proletaryo ay di-mapagkakasundo na magkabangga sa isa’t-isa. Ang paglalaban sa pagitan nila ay hindi maiiwasan. Ang kahihinatnan ng lipunan ay naka-depende sa kalalabasan. Kung ang rebolusyon ay matatalo, ang pasistang diktadurya ng burgesya ang susunod. Sa kaso ng pagtatagumpay, ang kapangyarihan ng mga sobyet, ito ay, ang diktadurya ng proletaryado at ang sosyalistang rekunstruksyon ng lipunan, ang babangon.

Mga Atrasadong Bansa at ang Programa ng mga Transisyonal na Panawagan

Ang mga kolonyal at mala-kolonyal na mga bansa ay mga atrasadong bansa sa kanilang pinaka-esensya. Subalit ang mga atrasadong mga bansa ay parte ng mundong dinodomina ng imperyalismo. Kaya naman, ang kanilang pag-unlad, ay mayroong pinag-samangkatangian: ang pinaka-primitibong pang-ekonomiyang mga porma ay pinagsasama sa kahuli-hulihang salita ng kapitalistang tekniko at kultura. Sa kaparehong paraan binibigyang kahulugan ang pulitikal na pagsusumikap ng proletaryado ng mga atrasadong bansa: ang pakikibaka para sa pinaka-elementarya na mga nagawa ng pambansang independensya at burgis na demokrasya ay pinagsasama sa sosyalistang pakikibaka laban sa pandaigdigang imperyalismo. Ang mga demokratikong islogan, ang mga transisyunal na panawagan, at ang problema ng sosyalistang rebolusyon ay hindi hinahati sa magkakahiwalay na istorikal na kapanahunan sa pakikibaka na ito, subalit nagsasanga na direkta sa isa’t-isa. Ang Tsino na proletaryado ay hindi pa nga nakapag-uumpisa na mag-organisa ng mga unyon bago ito maghanda para sa mga sobyet. Sa ganitong pakahulugan, ang kasalukuyang programa ay buong-buo na aplikable sa kolonyal at mala-kolonyal na mga bansa, kahit man lang sa mga bansa kung saan ang proletaryado ay nagkaroon ng kakayanan na isulong ang independenteng pulitika.

Ang sentral na tungkulin sa kolonyal at mala-kolonyal na mga bansa ay ang agraryong rebolusyon, s.e., ang likidasyon ng mga pyudal na pamana, atpambansang independensya, s.e., ang pagpapatalsik ng imperyalistang paod. Ang parehong tungkulin ay malapit na magkaugnay sa isa’t-isa.

Imposible ang simpleng pagtatakwil ng demokratikong programa; ito ay dapat makalakihan sa pakikibaka ng mga masa. Ang islogan para sa isang Pambansang (o Konstituwent na) Asembliya ay pinepreserba ang buong kapangyarihan nito para sa katulad na mga bansa ng Tsina o Indiya. Ang islogang ito ay dapat na di-mapaghihiwalay na ikinakabit sa problema ng pambansang liberasyon at repormang agraryo. Tanging ang mga iyan lamang ang makakapagtawag at makapag-kakaisa sa mga magsasaka. Sa batayan ng rebolusyonaryo demokratikong programa, kinakailangan na ilaban ang mga manggagawa sa “pambansang” burgesya. Pagkatapos, sa isang takdang antas ng mobilisasyon ng mga masa sa ilalim ng mga islogan ng rebolusyonaryong demokraya, ang mga sobyet ay maaari at dapat na sumulpot. Ang kanilang makasaysayang papel sa bawat takdang panahon, partikular ang kanilang relasyon sa Pambansang Asembliya, ay itatalaga ng pampulitikal na antas ng proletaryado, ang relasyon sa pagitan nila at pesante, at ang katangian ng mga patakaran ng proletaryong partido. Tanging ang mga ito lamang ang may kakayahang dalhin ang demokratikong rebolusyon sa pagtatapos at kasabay naman ng pagbubukas ng panahon ng sosyalistang rebolusyon.

Ang relatibong bigat ng indibidwal na demokratiko at transisyunal na mga panawagan sa pakikibaka ng proletaryado, ang kanilang myutwal na relasyon at ang kanilang pagkakasunod ng presentasyon, ay itinatakda ng mga pekularidad at ispesipikong kondisyon ng bawat atrasadong bansa at sa isang konsiderableng lawak ng antas ng pagka-atrasado nito. Ganoon pa man, ang pangkalahatang tunguhin ng rebolusyonaryong pag-unlad sa lahat ng mga atrasadong bansa ay maaaring itakda ng pormula ng permanenteng rebolusyon sa pakahulugan na ibinigay rito ng tatlong rebolusyon sa Rusya (1905, Pebrero 1917, Oktubre 1917).

Ang Comintern ay nakapag-bigay sa atrasadong mga bansa ng isang klasikong halimbawa kung paano na posibleng sirain ang isang makapangyarihan at nagsisimulang rebolusyon. Noong panahon ng magulong pag-aalsang masa sa Tsina ng 1925-27, di-nagawa ng Comintern na maisulong ang islogan para sa isang Pambansang Asembliya, at kasabay niyan ang pagtatayo ng mga sobyet. (Ang burgis na partido, ang Kumintang, ay papalit, batay sa plano ni Stalin, ang Pambansang Asembliya at ang mga sobyet.) Matapos ang mga masa ay nadurog ng Kuomintang, ang Comintern ay nag-organisa ng isang karikatura ng sobyet sa Kanton. Matapos ang di-maiiwasang pagbagsak ng pag-aalsang Kanton, kinuha ng Comintern ang kalsada ng pakikidigmang gerilya at mga pesanteng sobyet na may buong-buo na pasibidad sa parte naman ng industriyal na proletaryado. Naka-daong sa gayon sa isang bulag na kalyehon, ginamit ng Comintern ang Digmaang Sino-Hapones upang lusawin ang “Sobyet na Tsina” sa isang sulat ng pluma, ipinasailalim hindi lang ang pesanteng “Pulang Hukbo” kundi pati na rin ang tinatawag na “Komunistang” Partido sa kaparehong Kumintang, s.e., sa burgesya.

Sa pagtataksil sa internasyonal na proletaryong rebolusyon para sa kapakanan ng pakikipag-kaibigan sa mga “demokratikong” panginoong may-alipin, hindi mapigilan ng Comintern na sabay na pagtaksilan rin ang pakikibaka para sa liberasyon ng kolonyal na mga masa, at, talaga naman, ng may mas matinding sinisismo kaysa sa Ikalawang Internasyonal na nauna rito. Isa sa mga tungkulin ng Prenteng ng Bayan at ng pulitika ng “pambansang depensa” ay gawin ang daan-dang milyon ng kolonyal na populasyon na bala sa kanyon para sa “demokratikong” imperyalismo. Ang bandila kung saan nakasulat ang pakikibaka para sa liberasyon ng kolonyal at mala-kolonyal na mga mamamayan, s.e., ang kalahati ng sangkatauhan, ay tiyak na naipasa na sa mga kamay ng Ika-Apat na Internasyonal.

Ang Programa ng mga Transisyonal na Panawagan sa mga Pasistang Bansa

Napakalayo na ngayon mula sa panahon nang inanunsyo ng mga estratehista ng Comintern ang tagumpay ni Hitler bilang isang simpleng hakbang tungo sa tagumpay ni Thalmann. Si Thalmann ngayon ay nasa mga kulungan ni Hitler lagpas na ng limang taon. Nahawakan na ni Mossulini ang Italya na nakatali sa pasismo ng lagpas 16 na taon.

Sa buong panahong nabanggit, ang mga partido ng Ikalawa at Ikatlong mga Internasyonal ay walang nagawa hindi lang upang magka-kondukta ng isang kilusang masa kahit man lang makagawa ng isang seryosong iligal na organisasyon, na kahit man lang sa lawak na maikukumpara sa mga Rusong rebolusyonaryong partido sa ilalim ng kapanahunan ng tsarismo.

Wala ni kahit maliit na dahilan ang umiral upang maipaliwanag ang mga kabiguang ito ng pagtukoy sa kapangyarihan ng pasistang ideolohiya. (Sa esensya, hindi nagsulong si Mossulini ng anumang klase ng ideolohiya.) Ang “ideolohiya” ni Hitler ay hindi seryosong inakap ng mga manggagawa. Ang mga saray ng populasyon na sa isang panahon ay nalasing sa pasismo, s.e., pangunahin ang pang-gitnang uri ay nagkaroon ng sapat na panahon upang matanggal ang pagka-lango. Ang katotohanan na kahit isang maliit na kapansin-pansing oposisyon ay limitado sa mga sirkulo ng Protestante at Katolikong simbahan ay hindi nagpapaliwanag sa lakas ng mala-nahihibang at mala-mapagpanggap na mga teorya ng “lahi” at “dugo,” subalit ang napaka-tinding pagbagsak ng mga ideoyolohiya ng demokrasya, Sosyal Demokrasya, at ng Comintern.

Matapos ang masaker ng Paris Kommune ang itim na reaksyon ay naghari sa halos walong taon. Matapos ang pagkatalo ng Rusong rebolusyon ng 1905, ang nagpapakahirap na mga masa ay nanatili sa kawalan ng pakiramdam sa halos kasing-tagal na panahon. Subalit sa parehong pagkakataon ang penomena ay tanging isang pisikal na pagkatalo, na kinondisyon ng relasyon ng mga puwersa. Sa Rusya, dagdag pa, ito ay may kinalaman sa sa halos birheng proletaryado. Ang Bolshebik na paksyon noong panahong iyon ay hindi pa man lang nakakapag-diwang ng ikatlo nitong kaarawan. Ibang-iba ito sa Alemanya kung saan ang liderato ay nagmula sa mga malalakas na partido, isa rito ay umiral na sa halos 70 taon, ang isa ay halos 15. Ang dalawang partidong ito, na may milyon-milyong botante sa likod nila, ay moral na naparalisa bago ang labanan at sumuko ng walang laban. Ang kasaysayan ay wala pang naitala na kapaehong kapahamakan. Ang Alemenyang proletaryado ay hindi nawasak ng kaaway sa labanan. Ito ay nadurog sa karuwagan, pagiging di-matapat, kataksilan ng sarili nitong mga partido. Kaya naman hindi nakapagtataka na nawalan na ito ng pananalig sa lahat ng nakasanayan na nitong pinaniwalaan sa halos tatlong henerasyon. Ang pagtatagumpay ni Hitler ang nagpatibay naman kay Mussolini.

Ang matagalang pagkukulang ng rebolusyonaryong gawain sa Espanya at Alemanya ay walang iba kundi ang pabuya sa kriminal na mga pulitika ng Sosyal na Demokrasya at ng Comintern. Ang iligal na gawain ay kinakailangan hindi lang ang simpatya ng mga masa kundi ang mulat na pagsisigasig ng abanteng saray nito. Subalit ang kasiglaan ay possible bang maasahan para sa istorikal na bangkaroteng mga organisasyon? Ang mayorya ng mga lumapit bilang mga dayuhang lider ay kung hindi demoralisado sa kaibuturan ng kanilang mga buto, ay mga ahente ng Kremlin at GPU, o ng mga Sosyal Demokratikong dating-ministro, na nangangarap na ang mga manggagawa sa isang uri ng himala ay ibabalik sila sa nawala nilang mga posisyon. Possible bang isipin kahit man lang sa isang minuto ang mga ginoong iyan sa papel ng lider sa hinaharap na “anti-pasistang” rebolusyon?

At ang mga kaganapan sa pandaigdigang arena—ang pagkawasak ng mga Awstriyanong manggagawa, ang pagkatalo ng Espanyol na rebolusyon, ang pagkabulok ng Sobyet na estado—ay hindi makapag-bibigay ng tulong sa isang rebolusyonaryong pagbulwak sa Italya at Alemanya. Dahil para sa pulitikal na impormasyon ang mga Aleman at Italyanong manggagawa ay nakasalalay ng malaki sa radyo, possible itong sabihin ng may katiyakan na ang istasyon ng radyo Moskow, sa pagsasanib ng mga Termidoryang kasinungalingan na may katunggakan at panlalait, ang naging pinaka-makapangyarihan na salik sa demoralisasyon ng mga manggagawa sa totalitaryan na mga estado. Sa bagay na ito na tulad sa mga iba, si Stalin ay umaakto lamang bilang katulong ni Geobbels.

Kasabay ng maka-uring antagonismo na nagbigay-daan sa tagumpay ng pasismo, sa pagpapatuloy ng kanilang gawain sa ilalim ng pasismo rin, ay dahan-dahang pinipinsala ito. Ang mga masa ay kailan ma’y mas di-nasisiyahan. Daan-daang libo na nagsasakripisyong mga manggagawa, sa kabila ng lahat, ay patuloy na ginagampanan ang rebolusyonaryong gawaing-taling. Isang bagong henerasyon, na hindi direktang nakaranas ng pagkawasak ng mga lumang tradisyon at mataas na pag-asa, ang pumunta sa unahan. Di-mapipigilan, ang molekyular na preparasyon ng proletaryong rebolusyon ay nagpapatuloy sa ilalim ng mabigat na totalitaryong lapida. Subalit para sa nakatagong enerhiya na magsiklab sa isang hayagang pag-aaklas, kinakailangan ang banggardo ng proletaryado na makahanap ng bagong mga perspektiba, isang bagong programa at isang walang mantsa na bandila.

Dito nakabatay ang pangunahing sagabal. Napakahirap para sa mga manggagawa sa pasistang mga bansa na mamili ng isang bagong programa. Isang programa na pinatunayan ng karanasan. At ang mismong karanasang ito ng mga kilusang masa ang wala sa mga bansa ng totalitaryang despotismo. Malamang na ang isang tunay na proletaryong tagumpay sa isa sa mga “demokratikong” mga bansa ay kinakailangan upang makapag-bigay ng matinding tulak sa reboluyonaryong kilusan sa pasistang teritoryo. Ang katulad na epekto ay posible sa pamamagitan ng isang pinansyal at militar na kapahamakan. Sa kasalukuyan, dapat na sa pangunahin ang propagandistiko, paghahanda na gawain ay mailunsad na makakapag-bunga ng malakihang resulta sa hinaharap. Isang bagay ang maaring maihayag ng may pagpapatunay kahit sa puntong ito: kapag ito ay nakahulagpos, ang rebolusyonaryong agos sa mga pasistang bansa ay kaagad-agad na magiging isang engrandeng paglilinis at sa ilalim ng anumang sirkumstansya ay hindi titigil sa eksperemento ng muling pagbuhay ng isang klase ng Wiemar na bangkay.

Mula sa puntong ito pasulong na ang isang walang kompromisong pagkakaiba ay nagsisimula sa pagitan ng Ika-Apat na Internasyonal at ng mga lumang partido, na nabubuhay ng lagpas na sa kanilang pagka-bangkarote. Ang dayuhang Prente ng Bayan ay ang pinaka-masama at taksil na klase ng lahat ng posibleng Prente ng Bayan. Sa esensya, kinakatawan nito ang baog na paghahanap ng kowalisyon sa isang di-umiiral na liberal na burgesya. Kung ito ay nakakuha ng pagtatagumpay, ito malamang ay simpleng maghahanda ng mga serye ng panibagong mga pagkatalo ng Espanyol na tipo para sa proletaryado. Kaya naman isang walang awa na paglalantad ng teorya at praktika ng Prente ng Bayan ang unang kondisyon para sa rebolusyonaryong pakikibaka laban sa pasismo.

Siyempre, hindi ito nangangahulugan na ibinabasura ng Ika-Apat na Internasyonal ang demokratikong mga islogan bilang paraan upang mapakilos ang mga masa laban sa pasismo. Salungat riyan, ang mga nabanggit na mga islogan ay maaaring magkaroon ng seryosong papel. Subalit ang mga pormula ng demokrasya (kalayaan sa pamamahayag, ang karapatan para mag-unyon, atbp.) ay nangangahulugan para sa atin ng tanging insidental at episodikong mga islogan sa indipendenteng kilusan ng proletaryado at hindi bilang isang demokratikong silo na itinatali sa leeg ng proletaryado ng mga ahente ng burgesya (Espanya!). Sa sandali na ang kilusan ay magkaroon ng isang pang-masang katangian, ang mga demokratikong islogan ay sasalubong sa mga transisyunal na mga islogan; ang mga komiteng pabrika, maaaring sabihin, ay susulpot bago ang mga matatandang rotunista ay magmadali papalabas mula sa kanilang mga opisina upang mag-organisa ng mga unyon; babalutin ng mga sobyet ang Alemanya bago ang isang Konstituwent na Asembliya ay maipatawag sa Weimar. Iyan ay kaparehong aplikable sa Italya at sa natitira na mga totalitaryan at mala-totalitaryang bansa.

Inilubog ng pasismo ang mga bansang ito sa pulitikal na barbarismo. Subalit hindi nito nabago ang kanilang sosyal na istruktura. Ang pasismo ay isang gamit na nasa mga kamay ng pinansyang kapital at hindi ng mga pyudal na panginoong maylupa. Ang isang rebolusyonaryong programa ay dapat na ibinabatay ang sarili sa mga diyalektiko ng tunggalian ng mga uri, na kinakailangan rin sa mga pasistang mga bansa at hindi sa sikolohiya ng mga takot na bangkarote. Ang Ika-Apat na Internasyonal ay ibinabasura ng may pagkamuhi ang mga paraan ng pulitikal na pagkukunwari na itinutulak ang mga Stalinista, ang mga dating bayani ng “ikatlong panahon,” na nagpapakita sa likod ng mga maskara ng mga Katoliko, mga Protestante, mga Hudyo, mga nasyonalistang Aleman, mga liberal—upang maitago lamang ang kanilang sariling pangit na mukha. Ang Ika-Apat na Internasyonal ay lagi’t-lagi at kahit saan ay nagpapakita sa ilalim ng sarili nitong bandila. Inihahapag nito ang sarili nitong programa nang hayagan sa proletaryado sa pasistang mga bansa. Ang abanteng mga manggagawa ng buong mundo ay matibay nang kumbinsido na ang pagpapabagsak kay Mussolini, Hitler, at kanilang mga ahente at manggagaya ay mangyayari lamang sa ilalim ng liderato ng Ika-Apat na Internasyonal.

Ang USSR at mga Problema ng Transisyonal na Kapanahunan

Ang Unyon Sobyet ay sumulpot mula sa Oktubreng Rebolusyon bilang estado ng mga manggagawa. Ang pag-aari ng estado sa paraan ng produksyon, na isang karapat-dapat na pangangailangan sa sosyalistang pag-unlad, ang magbubukas ng posibilidad ng mabilisang paglaki ng mga produktibong puwersa. Subalit kasabay niyan ang aparato ng estado ng mga manggagawa ay dumanas ng isang kumpletong pagkabulok: ito ay trinansporma mula sa pagiging kagamitan ng uring manggagawa tungo sa isang kagamitan ng burukratikong karahasan laban sa uring manggagawa at papalala ng papalala na nagiging kagamitan para sa sabotahe ng ekonomiya ng bansa. Ang burukratisasyon ng isang atrasado at hiniwalay na estado ng mga manggagawa at ang transpormasyon ng burukrasya bilang isang napakalakas na may pribilehiyo na kaste ang bumubuo ng pinaka nakaka-kumbinsing pagpapasinungaling—hindi lamang sa teoretikal kundi sa pagkakataong ito sa praktikal—ng teorya ng sosyalismo sa isang bansa.

Kaya naman kinakatawan ng USSR ang napakatinding mga kontradiksyon. Subalit ito ay nananatili na isangnabulok na estado ng mga manggagawa. Iyan ang sosyal na pagsusuri. Ang pulitikal na pag-aaral ay may alternatibong pagtatangi: na ang burukrasya, na nagiging organo ng pandaigdigang burgesya sa estado ng mga mangggagawa, ay ibabagsak ang mga bagong porma ng pag-aari at ilulubog ang bansa pabalik sa kapitalismo; o dudurugin ng uring manggagawa ang burukrasya at bubuksan ang daan sa sosyalismo.

Para sa mga seksyon ng Ika-Apat na Internasyonal, ang Mga Paglilitis ng Muskow ay nangyari hindi bilang isang pagkagulat at hindi bilang resulta ng mga personal na pagkasira ng ulo ng diktador sa Kremlin, kundi bilang isang lehitimong anak ng Termidor. Sila ay sumulpot mula sa hindi na matiis na mga paglalaban sa loob ng burukrasyang Sobyet mismo, na sumasalamin ng mga kontradiksyon sa pagitan ng burukrasya at ng mamamayan, kasama na ang lumalalim na antagonismo sa pagitan ng mga “mamamayan” mismo. Ang madugo “pantastikong” katangian ng mga paglilitis ang nagbibigay ng halimbawa ng tindi ng mga kontradiksyon at sa pakahulugan ang nagtatakda sa paglapit ng pagtatapos.

Ang mga pagsasalita sa publiko ng dating mga panlabas na ministro ng Kremlin, na tumanggi na bumalik sa Muskow, ay hindi mapasi-sinungalingang kompirmasyon sa kanilang sariling paraan na ang lahat ng mga kulay ng pulitikal na pagtingin ay matatagpuan sa burukrasya: mula sa tunay na Bolshebismo (Ignace Reiss) hanggang sa kumpletong pasismo (F. Butenko). Ang mga rebolusyonaryong elemento sa loob ng burukrasya, na isang maliit na minoridad, ay sumasalamin, bagamat pasibo ito ay totoo, ng mga sosyalistang mga interes ng proletaryado. Ang pasista, mga kontra-rebolusyonaryong elemento, na lumalaki ng walang pigil, ang nagpapahayag ng may papalakas na papalakas na katatagan ng mga interes ng pandaigdigang imperyalismo. Ang mga kandidato na mga ito para sa papel na mga kumprador ay kinokonsidera, ng hindi sa walang dahilan, na ang bagong naghaharing saray ay masisiguro ang kanilang mga posisyon ng pribilehiyo sa pamamagitan lamang ng pagbabasura ng nasyonalisasyon, kolektibisasyon at monopolyo ng panlabas na kalakalan sa ngalan ng asimilasyon ng “Kanlurang sibilisasyon,” s.e., kapitalismo. Sa pagitan ng dalawang polo na ito, nariyan ang mga pang-gitna, mga malabong Menshebik-SR-liberal na mga tendensya na pumapaling patungo sa burgis demokrasya.

Mismo sa loob ng mga hanay ng tinatawag na “walang uri” na lipunan, makikita na hindi mapag-aalinlanganan na mayroong umiiral na mga grupo na kasing-katulad ng nasa burukrasya, hindi lang gaanong naipapahayag at naka-baliktad sa proporsyon: ang mga mulat na tendensyang kapitalista ay kinikilala pangunahin ang masaganang bahagi ng mga kolektibong sakahan (kolkhozi) at kinatatangian lamang ng isang maliit na minoridad ng populasyon. Subalit ang saray na ito ay naglalaan sa sarili ng isang malawak na base para sa mga peti-burgis na tendensya ng pag-akumula ng personal na yaman sa pagsasakripisyo ng pangkalahatang kahirapan, at mulat na pinasisigla ng burukrasya.

Sa ibabaw ng sistemang ito ng mga lumalaking antagonismo, na tumatawid na sa sosyal na timbangan, ang Temidoryang oligarkiya, na ngayon ay pangunahin nakatukoy sa Bonapartistang paksyon ni Stalin, ay nananatili lamang sa pamamagitan ng mga teroristikong pamamaraan. Ang mga panibagong dyudisyal na mga preym-ap ay ginawa bilang isang bayolaban sa kaliwa. Ito ay totoo rin sa mga pagwawalis ng mga lider ng Kanang Oposisyon, dahil ang Kanang grupo ng dating Bolshebik na Partido, na ayon sa pananaw ng mga interes ng burukrasya, ay kumakatawan sa isang kaliwangpanganib. Ang katotohanan na ang Bonapartistang grupo, na kinatatakutan rin ang sarili nitong mga kanang alyado na klase ni Butenko, ay napilitan sa interes ng preserbasyon sa sarili na patayin halos ang henerasyon ng mga Lumang Bolshebik liban sa iisang tao, ay nagbibigay ng di-mapapasinungalingang testimonya ng lakas ng rebolusyonaryong tradisyon sa bawat isa sa mga masa kasama na ang lumalaki nilang sama ng loob.

Ang mga peti-burgis na demokrata ng Kanluran, na kahapon lamang ay ina-analisa ang mga Paglilitis ng Muskow bilang walang halong alloy na ginto, ngayon ay paulit-ulit na pinipilit na “wala maski Trotskyismo o mga Trotskyista sa USSR.” Subalit, hindi nila maipaliwanag, kung bakit ang lahat ng mga pagpu-purga ay inilunsad sa ilalim ng bandila ng isang pakikibaka ng may katulad na panganib nito mismo. Kung ating susuriin ang “Trotskyismo” bilang isang tapos na programa, at, sa mas tumutukoy pa sa punto, bilang isang organisasyon, samakatuwid tiyak na ang “Trotskyismo” ay napakahina sa USSR. Subalit, ang di-mawasak na lakas nito ay mauugat mula sa katotohanan na ipinapahayag nito hindi lamang ang rebolusyonaryong tradisyon kundi pati na rin ang aktuwal na oposisyon ngayon ng uring manggagawa ng Ruso. Ang sosyal na pagkapoot na itinatago ng mga manggagawa laban sa burukrasya—ito mismo ang tinatawag mula sa pagtingin ng grupo sa Kremlin na “Trotskyismo.” Nakamamatay nitong kinatatakutan at puspusan na may-batayan nitong kinatatakutan ang pagsasama sa pagitan ng malalim subalit di-maipahayag na indignasyon ng mga manggagawa at ang organisasyon ng Ika-Apat na Internasyonal.

Ang eksterminasyon ng henerasyon ng mga Matandang Bolshebik at ng mga rebolusyonaryong kinatawan ng panggitna at nakababatang mga henerasyon ang umakto upang guluhin ang pulitikal na pagka-balanse na mas lalong pumapabor sa kanang burgis na paksyon ng burukrasya, at sa lahat ng mga alyado nito sa buong kalupaan. Mula sa kanila, s.e., mula sa kanang paksyon makakaasa tayo ng mas determinado na mga pagtatangka sa susunod na kapanahunan upang baguhin ang sosyalistang katangian ng USSR at dalhin ito ng papalapit sa patern ng “Kanlurang sibilisasyon” sa pasista nitong porma.

Mula sa perspektibang ito, ibinubunsod ng katumpakan ang ibinibigay sa katanungan ng “depensa ng USSR.” Kung bukas ang burgis-pasistang pagkakagrupo, ang “paksyon ni Butenko,” sa ibang salita, ay magtangka na agawin ang kapangyarihan, ang “paksyon ni Reiss” ay di-mapipigilang ilinya ang sarili sa kabilang panig ng mga barikada. Kahit na mailagay ang sarili sa pansamantalang alyansa kay Stalin, hindi nito dine-depensahan ganoon pa man ang Bonapartistang grupo kundi ang sosyal na basehan ng USSR, s.e., ang pag-aari na kinuha mula sa mga kapitalista at trinansporma sa estadong pag-aari. Kung ang “paksyon ni Butenko” ay mapatunayang nakikipag-alyansa kay Hitler, samakatuwid ang “paksyon ni Reiss” ay dedepensahan ang USSR mula sa militar na interbensyon, sa loob ng bansa pati na rin sa pandaigdigang arena. Anumang ibang kurso ay magiging pagtataksil.

Kaya naman bagamat hindi maaaring ikaila bago pa man ang posibilidad, sa striktong pakahulugan ng mga halimbawa, ng isang “nagkakaisang prente” sa Termidoryang seksyon ng burukrasya laban sa hayagang atake ng kapitalistang kontra-rebolusyon, ang pangunahing pulitikal na tungkulin sa USSR ay nananatiling angpagpapabagsak ng nabanggit na Termidoryang burukrasya. Sa bawat araw na nadadagdag sa dominasyon nito ay tumutulong sa pagpapabulok ng mga punadasyon ng mga sosyalistang elemento ng ekonomiya at nagpapataas ng tsansa para sa kapitalistang restorasyon. Sa ganitong direksyon mismo na ang Comintern ay kumikilkos bilang ahente at katulong ng Stalinistang grupo sa pagsakal ng rebolusyong Espanyol at dine-demoralisa ang internasyonal na proletaryado.

Tulad sa mga pasistang mga bansa, ang pangunahing lakas ng burukrasya ay nakasalalay hindi sa sarili nito kundi sa pagka-disilusyon ng mga masa, sa kanilang kawalan ng bagong perspektiba. Tulad sa mga pasistang bansa, kung saan ang pulitikal na aparato ni Stalin ay hindi naiiba kundi sa mas matinding kalupitan, tanging paghahanda na propagandistang gawain ang posible ngayon sa USSR. Tulad sa mga pasistang bansa, ang malakas na tulak sa rebolusyonaryong pagbulwak ng mga manggagawang Sobyet ay malamang na maibibigay ng mga kaganapan sa labas ng bansa. Ang pakikibaka laban sa Comintern sa pandaigdigang arena ay ang pinaka-importanteng bahagi ngayon ng pakikibaka laban sa Stalinistang diktadurya. Marami ang mga senyales na ang pagbagsak ng Comintern, dahil wala itong direktang base sa GPU, ay susundan ng pagbagsak ng Bonapartistang grupo at ng Termidoryang burukrasya sa pangkabuuan.

Isang bagong pagbulwak ng rebolusyon sa USSR ang walang pag-aalinlangang mag-uumpisa sa ilalim ng bandila ng pakikibaka laban sa sosyal na di-pagkakapantayatpulitikal na opresyon. Ibagsak ang mga pribilehiyo ng burukrasya! Ibagsak ang Stakanobismo! Ibagsak ang Sobyet na aristokrasya at mga ranggo nito at mga utos! Mas malawak na pagkakapantay ng mga sahod para sa lahat ng porma ng paggawa!

Ang pakikibaka para sa kalayaan ng mga unyon at mga komiteng pabrika, para sa karapatan ng asembliya at kalayaan sa pahayagan, ay mabubuksan sa pakikibaka para sa muling pagbuhay at pag-unlad ngSobyet na demokrasya.

Ang burukrasya ang pumalit sa mga sobyet bilang mga organo ng uri ng may kathang-buhay ng unibersal na mga karapatang elektoral—sa paraan ni Hitler-Goebbles. Dapat na bumalik sa sobyet hindi lamang sa kanilang malaya na demokratikong porma kundi sa kanila ring maka-uring nilalaman. Minsan nang ang burgesya at mga kulak ay hindi pinayagang pumasok sa mga sobyet, kaya ngayondapat na palayasin ang burukrasya at ang bagong aristokrasya sa mga sobyet. Sa mga sobyet tanging mga kinatawan ng mga manggagawa, mga kasapian ng mga kolektibong magsasaka, mga pesante, at mga tauhan ng Pulang Hukbo ang mayroong puwang.

Ang demokratisasyon ng mga sobyet ay imposible kung walanglegalisasyon ng mga sobyet na partido. Mismong ang mga manggagawa at pesante mismo sa kanilang malayang pag-boto ang magtutukoy kung anong mga partido ang kanilang kikilalanin bilang mga sobyet na partido.

Isang rebisyon ng planadong ekonomiya mula sa itaas pababa sa mga interes ng tagapag-likha at konsyumer! Ang mga komiteng pabrika ay dapat na ibalik ang karapatan sa pagkontrol sa produksyon. Isang demokratikong organisadong kooperatiba ng mga konsyumer ang dapat na kumontrol ng kalidad at presyo ng mga bilihin.

Reorganisasyon ng mga kolektibong sakahan na nakabatay sa kagustuhan at mga interes ng mga manggagawa na nagtra-trabaho roon!

Ang reaksyonaryong internasyonal na patakaranng burukrasya ay dapat palitan ng patakaran ng proletaryong internasyonalismo. Dapat ipahayag ang kumpletong diplomatikong pakikipag-talastasan ng Kremlin. Ibagsak ang sikretong diplomasya!

Ang lahat ng pulitikal na mga paglilitis, na ipinalalabas ng Termidoryang burukrasya ay muling pag-aaralan sa harap ng kumpletong pagpapahayag at kontrobersyal na pagbubukas at integridad. Tanging ang matagumpay na rebolusyonaryong pag-aalsa ng mga inaaping mga masa ang makakapagpabuhay-muli sa Sobyet na rehimen at magtitiyak ng karagdagang pag-unlad patungong sosyalismo. Iisa lamang na partido ang may kakayanan na pangunahan ang mga Sobyet na masa sa insureksyon—ang partido ng Ika-Apat na Internasyonal!

Ibagsak ang burukratikong pangkatin ni Cain-Stalin!

Mabuhay ang Sobyet na demokrasya!

Mabuhay ang internasyonal na sosyalistang rebolusyon!

Laban sa Oportunismo at Hindi Maka-prinsipyong Rebisyonismo

Ang mga pulitika ng partido ni Leon Blum sa Pransya ay panibagong nagpapakita na ang mga repormista ay walang kakayahang matuto ng kahit ano man kahit mula sa pinaka-kalunoslunos na mga aral ng kasaysayan. Ang Pranses na Sosyal Demokrasya ay walang tanong na kinokopya ang mga pulitika ng Alemang Sosyal Demokrasya at tumungo rin sa parehong katapusan. Sa loob ng ilang dekada ang Ikalawang Internasyonal ay itinali ang sarili sa burgis-demokratikong rehimen, na sa katotohanan ay naging bahagi nito at nabubulok kasama nito.

Ang Ikatlong Internasyonal ay tinahak ang daan ng repormismo sa panahon nang ang krisis ng kapitalismo ay depinidong inilagay ang proletaryong rebolusyon sa utos ng araw. Ang patakaran ng Comintern sa Espanya at Tsina ngayon—ang patakaran ng pag-urong sa harap ng “demokratiko” at “pambansang” burgesya—ang nagpapakita na ang Comintern ay wala ring kakayahan na karagdagang matuto o magbago pa. Ang burukrasya na naging reaksyonaryong puwersa sa USSR ay hindi maka-kakagampan ng isang rebolusyonaryong papel sa pandaigdigang arena.

Ang Anarko-Sindikalismo sa pangkalahatan ay dumaan rin sa kaparehong klase ng ebolusyon. Sa Pransya, ang sindikalistang burukrasya ni Leon Jouhaux ay matagal nang naging ahensya ng burgesya sa uring manggagawa.

Ang mga intermedyang sentristang organisasyon na naka-sentro sa Kawanihan sa London ang kumakatawan lamang sa “kaliwang” buntot ng Sosyal Demokrasya o ng Comintern. Sila ay nagpapakita ng isang kumpletong kawalan ng abilidad na manguna o bumuntot sa pulitikal na sitwasyon at kumuha ng mga rebolusyonaryong kongklusyon mula rito. Ang pinaka-mataas na kanilang naabot ay ang Espanyol na POUM, na sa ilalim ng mga rebolusyonaryong kondisyon ay pinatunayan na kumpletong walang kakayahan na sumunod sa isang rebolusyonaryong linya.


Ang mga kalunos-lunos na pagkatalo na naranasan ng pandaigdigang proletaryado sa ilalim ng mahabang panahon ng mga taon ang nagtatadhana sa opisyal na mga organisasyon sa mas matinding konserbartismo at kasabay na nagtutulak sa mga peti-burgis na “rebolusyonista” na sumunod sa “mga bagong paraan.” Lagi’t-lagi sa ilalim ng mga panahon ng reaksyon at pagkabulok, ang mga huwad at mapag-panggap ay sumusulpot mula sa lahat ng panig, na nagnanais na rebisahin ang buong kurso ng rebolusyonaryong pag-iisip. Sa halip na matuto sa nakaraan, kanila itong “ibinabasura.” Ang ilan ay nadiskubre ang pagkakalaban-laban ng Marksismo, ang iba’y inaanunsyo ang pagbagsak ng Bolshebismo. May ilan na ipinapataw ang responsibilidad sa rebolusyonaryong doktrina para sa mga pagkakamali at mga krimen ng mga nagtaksil rito; ang iba na sinusumpa ang medisina dahil hindi nito ginagarantiya ang kaagad-agad at mapag-himala na gamot. Ang mas mapangahas ay nangangakong makaka-diskubre ng isang lunas sa lahat ng sakit at, bilang antisipasyon, ay nirerekomenda ang pagtigil ng tunggalian ng mga uri. Ang marami-rami ring mga propeta ng “mga bagong moral” ay naghahanda na muling buhayin ang kilusang paggawa sa tulong ng etikal na homeyopatya. Ang mayorya ng mg apostoles nito ang nagtagumpay na maging mga moral na inbalido ang mga sarili bago makarating sa lugar ng labanan. Kaya naman, sa ilalim ng aspeto ng “mga bagong paraan,” mga lumang paraan ng pagluluto, na matagal nang nailibing sa mga talaan ng mga bago ang Marksistang sosyalismo, ay inihahapag sa proletaryado.

Ang Ika-Apat na Internasyonal ay nagdedeklara ng walang anumang kompromisong pakikidigma sa mga burukrasya ng Ikalawa, Ikatlo, Amsterdam at Anarko-Sindikalista na mga Internasyonal, at sa kanilang mga sentristang mga alagad; sa repormismo ng walang mga reporma; sa demokrasya sa pakikipag-alyansa sa GPU; sa pasipismo ng walang kapayapaan; sa anarkismo sa serbisyo ng burgesya; sa mga “rebolusyonista” na nabubuhay sa nakamamatay na pagkatakot sa rebolusyon. Ang lahat ng mga organisasyong ito at hindi mga pangako para sa kinabukasan kundi mga nabulok na tira-tira ng nakaraan. Ang panahon ng mga digmaan at mga rebolusyon ang wawasak sa kanila ng tuluyan.

Ang Ika-Apat na Internasyonal ay hindi naghahanap para sa at hindi nag-iimbento ng mga lunas sa lahat ng sakit. Buong-buo nitong kinukuha ang tindig sa Marksismo bilang tanging rebolusyonaryong doktrina na nagdudulot sa isa na maintindihan ang realidad, hukayin ang dahilan sa likod ng mga pagkatalo at mulat na maghanda para sa tagumpay. Ang Ika-Apat na Internasyonal ay ipinagpapatuloy ang tradisyon ng Bolshebismo na unang nagturo sa proletaryado kung paano agawin ang kapangyarihan. Ang Ika-Apat na Internasyonal ay wawalisin ang mga huwad, mga mapag-panggap, at mga di-hinihinging titser ng mga moral. Sa isang lipunan na naka-batay sa pagsasamantala, ang pinaka-mataas na moral ay ang sosyal na rebolusyon. Ang lahat ng mga paraan ay tumpak na magpapataas ng maka-uring kamulatan ng mga manggagawa, ng kanilang tiwala sa sarili nilang mga puwersa, sa kanilang kahandaan para sa sariling-pagsasakripisyo sa pakikibaka. Ang hindi katanggap-tanggap na mga paraan ay ang mga yaong nagtatanim ng takot at nagpapailalim ng mga inaapi sa harap ng kanilang mga nang-aapi, na dumudurog sa espirito ng protesta at indignasyon o pumapalit sa kapasyahan ng mga masa—ang kapasyahan ng mga lider; para sa konbiksyon—sa kompulsyon, para sa isang pag-aaral ng realidad—demagogya at preym-ap. Kaya naman ang Sosyal na Demokrasya, ang prostitusyon ng Marksismo, at Stalinismo—ang anti-tesis ng Bolshebismo—ay parehong mga mortal na kaaway ng proletaryong rebolusyon sa mga moral nito.

Upang harapin ang realidad ng naaalinsunod; at hindi upang maghanap ng linya ng pinakamaliit na paglaban; upang tawagin ang mga bagay sa tama nilang mga katawagan; upang magsalita ng katotohanan sa mga masa, gaano man ito magiging mapait; hindi matakot sa mga balakid; maging totoo sa mga maliit na mga bagay tulad ng sa malalaki; upang ibatay ang programa ng isa sa lohika ng tunggalian ng mga uri; upang maging mapangahas kapag ang oras para sa aksyon ay dumating—ito ang mga alituntuin ng Ika-Apat na Internasyonal. Naipakita nito na kaya nitong lumangoy laban sa agos. Ang paparating na istorikal na alon ang magtataas rito sa tuktok nito.

Laban sa Sektaryanismo

Sa ilalim ng impluwensya ng pagtataksil ng mga istorikal na organisasyon ng proletaryado ilang mga sektaryan na mga palagay at mga grupo ng iba’t-ibang klase ang sumulpot o muling binubuhay sa paligid ng Ika-Apat na Internasyonal. Sa kanilang pinaka-ilalim nakalatag ang pagtanggi na makibaka para sa parsyal at transisyunal na mga panawagan, s.e., para sa mga elementaryang mga interes at pangangailangan ng mga masang manggagawa, tulad ng nangyayari ngayon. Ang paghahanda sa rebolusyon ay nangangahulugan para sa mga sektaryan, ng pagkukumbinsi sa sarili nila ng superyoridad ng sosyalismo. Kanilang iminumungkahi na talikuran ng kanilang mga sarili ang mga “lumang” unyon, s.e., sa mga sampung milyong organiadong manggagawa—na tila ang mga masa ay mabubuhay ng labas sa mga kondisyon ng aktuwal na tunggalian ng mga uri! Nananatili silang walang pakialam sa panloob na tunggalian sa loob mismo ng mga repormistang organisasyon—na tila ang isa ay kakayaning ipanalo ang mga masa ng hindi nakiki-alam sa kanilang pangaraw-araw na labanan! Tinatanggihan nilang gumuhit ng pagkakaiba sa pagitan ng burgis na demokrasya at pasismo—na tila ang mga masa ay makakatulong sa pag-alam ng pagkaka-iba sa bawat bahagi!

Ang mga sektaryan ay may kakayanang mapag-iba tanging sa pagitan lamang ng dalawang kulay: ang pula at itim. Upang hindi matukso ang mga sarili, pina-sisimple nila ang realidad. Tumatanggi silang makakuha ng pagkaka-iba sa pagitan ng mga naglalabanang mga kampo sa Espanya sa dahilang ang parehong kampo ay may burgis na katangian. Sa parehong dahilan kanilang kinokonsidera itong pngangailangan na ipreserba ang “nyutralidad” sa pagitan ng digmaan ng Hapon at Tsina. Pinabubulaanan nila ang prinsipyadong diperensya sa pagitan ng USSR at mga imperyalistang bansa, at dahil sa mga reaksyonaryong patakaran ng sobyet na burukrasya kanilang ibinabasura ang depensa ng mga bagong porma ng pag-aari, na ginawa ng Rebolusyong Oktubre, laban sa pagsalakay ng imperyalismo. Walang kakayahang makahanap ng daan patungo sa mga masa, samakatuwid kanilang ina-akusahan ang mga masa ng kawalan ng kakayahang iangat ang kanilng mga sarili sa mga rebolusyonaryong ideya.

Ang baog na mga pulitikong iyan sa pangkalahatan ay hindi kailangan ang isang tulay sa porma ng transisyunal na mga panawagan dahil wala silang intensyon na tumawid sa kabilang pampang. Sila ay simpleng nagpapaikot-ikot sa isang lugar, binibigyang-kasiyahan ang mga sarili sa pagpapaulit-ulit ng parehong makasarili na kakarampot na abstraksyon. Ang mga pulitikal na kaganapan para sa kanila ay isang okasyon para sa komento at hindi para umaksyon. Dahil ang mga sektaryan, tulad sa pangkalahatan ng bawat klase ng nagkakamali at naghahanap ng himala na tao, ay idinadapa ng realidad sa bawat hakbang, nabubuhay sila sa isang antas ng walang katapusang pagkabigo, umaangal tungkol sa “rehimen” at sa “mga paraan” at walang-tigil na naglulunoy sa mga maliliit na intriga. Sa kanilang sariling mga sirkulo kanilang naka-ugalian na na ipagpatuloy ang isang rehimen ng despotismo. Ang pulitikal na pagka-kapon ng sektaryanismo ay nagsisilbing tumutulong, tulad ng anino, sa pagka-kapon ng oportunismo, na nagpapahayag ng kawalan ng rebolusyonaryong pananaw. Sa praktikal na pulitika, ang mga sektaryan ay nakiki-isa sa mga oportunista, partikular na ang mga sentrista, sa bawat panahon ng pakikibaka laban sa Marksismo.

Karamihan sa mga sektaryan na mga grupo at mga pangkatin, ay nabubuhay sa mga aksidenteng tira-tira mula sa lamesa ng Ika-Apat na Internasyonal, pinamumunuan ang isang “independenteng” organisasyonal na pag-iral, na may malalaking pagkukunwari ngunit wala ni katiting na tsansa ng pagtatagumpay. Ang mga Bolshebik-Leninista, nang walang pag-aaksaya ng oras, ay malumanay na nililisan ang mga grupong ito para sa kanilang sariling kapalaran: ganoon pa man, ang mga sektaryan na tendensya ay makikita rin sa ating sariling hanay at nagpapakita ng isang mapanirang impluwensya sa gawain ng mga indibidwal na seksyon. Ang isang tamang patakaran hinggil sa mga unyon ang batayang kondisyon para sa pagtangkilik ng Ika-Apat na Internasyonal. Ang isa na hindi naghahanap at hindi makakita ng daan tungo sa mga masa ay hindi mandirigma kundi pabigat sa partido. Isang programa na binuo hindi para sa pamatnugutan o para sa mga lider ng mga kapisanan sa diskusyon kundi para sa rebolusyonaryong aksyon ng milyon-milyon. Ang paglilinis sa hanay ng Ika-Apat na Internasyonal ng sektaryanismo at ang di-magamot na mga sektaryan ang pangunahing kondisyon para sa rebolusyonaryong tagumpay.

Buksan ang Daan sa Babaeng Manggagawa! Buksan ang Daan sa Kabataan!

Ang pagkatalo ng rebolusyong Espanyol na pinamatnugutan ng mga “pinuno” nito, ang nakakahiyang pagka-bangkarote ng Prente ng Bayan sa Pransya, at ang pagkakalantad ng huridikal na pang-gagantso ng Moskow—ang tatlong katotohanang ito sa kanilang pinagsamang kabuuan ay nagbigay ng di-makukumpuni na pagbira sa Comintern at, sa pangyayaring ito, ng malubhang sugat sa mga alyado nito: ang mga Sosyal Demokrata at mga Anarko-sindikalista. Hindi ito nangangahulugan, siyempre, na ang lahat ng mga kasapi ng mga organisasyong ito ay kaagad-agad na tutungo sa Ika-Apat na Internasyonal. Ang nakatatandang henerasyon, sa pagkakadanas ng mga nakasisindak na pagkatalo, ay iiwan ang kilusan sa maramihang bilang. Dagdag pa, ang Ika-Apat na Internasyonal ay hindi naman talaga nagsisikhay upang maging isang sangktuwaryo para sa mga rebolusyonaryong inbalido, mga nadisilusyong burukrata, at mga karerista. Sa kabila ng lahat, bilang paglaban sa posibleng maramihang pagpasok sa ating partido ng mga peti-burgis na elemento, na ngayon ay namamayani sa aparato ng mga lumang organisasyon, mahigpit na mga hakbang na paghahadlang ang kinakailangan: isang mahaba na panahon ng pagsisiyasat para sa mga kandidatong hindi mga manggagawa, lalo na sa mga dating burukrata ng partido; paghahadlang na humawak ng anumang responsableng posisyon para sa unang tatlong taon, atbp. Wala at hindi magkakaroon ng anumang lugar para sa karerismo, ang ulser ng mga dating Internasyonal, sa Ika-Apat na Internasyonal. Tanging ang mga yaon na nagnanais na mabuhay para sa kilusan, at hindi sa pagpapakasakit ng kilusan, ang makakahanap ng daan sa atin. Ang mga rebolusyonaryong manggagawa ang dapat makaramdam sa sarili nila bilang mga panginoon. Ang mga pintuan ng ating organisasyon ay bukas na bukas sa kanila.

Siyempre, kahit sa hanay ng mga manggagawa na sa isang panahon ay umangat sa unang mga hanay, mayroong hindi iilan na pagod at nadis-ilusyon na. Sila ay mananatili, sa pinaka-maiksi sa susunod na kapanahunan, bilang mga taga-masid. Kapag ang isang programa o ang isang organisasyon ay napudpod na ang henerasyon na nagdadala nito ay napapagod kasabay nito. Ang kilusan ay muling binubuhay ng kabataan na malaya sa responsibilidad ng nakaraan. Ang Ika-Apat na Internasyonal ay nagbibigay ng partikular na atensyon sa mga nakababatang henerasyon ng proletaryado. Ang lahat ng patakaran nito ay nagpupunyagi na bigyang-sigla ang kabataan na may paniniwala sa sarili nitong lakas at sa kinabukasan. Tanging ang sariwang sigasig at agresibong espirito ng kabataan ang makapag-papabalik sa mga pinaka-magaling na elemento ng nakatatandang henerasyon sa daan ng rebolusyon. Sa gayong iyan ay, sa gayon iyon ay magiging.

Ang mga oportunistang organisasyon sa kanilang pinaka-katangian ay kino-konsentra ang kanilang pangunahing atensyon sa pinaka-ibabaw na mga saray ng uring manggagawa at kaya naman di-pinapansin ang kabataan at babaeng manggagawa. Ang pagkabulok ng kapitalismo, gayon man, ang nagbibigay ng pinakamabigat na pagbayo sa babae bilang kumikita ng sahod at bilang ina ng tahanan. Ang mga seksyon ng Ika-Apat na Internasyonal ay dapat makahanap ng mga base ng suporta sa mga pinaka-pinagsasamantalahang saray ng uring manggagawa, sa mga babaeng manggagawa. Dito makikita nila ang walang hanggang balon ng debosyon, pagiging di-makasarili, at kahandaang magsakripisyo.

Ibagsak ang burukrasya at karerismo! Buksan ang daan sa kabataan! Bumaling sa manggagawang babae!Ang mga islogang ito ay nakatatak sa bandila ng Ika-Apat na Internasyonal.

Sa Ilalim ng Bandila ng Ika-Apat na Internasyonal

Ang mga iskeptiko ay nagtatanong: Subalit ang panahon ba ng pagbubuo ng Ika-Apat na Internasyonal ay dumating na? Iyan ay imposible, kanilang sinasabi, na makapagbuo ng isang Internasyonal na “artipisyal”; maitatayo lamang iyan mula sa mga malalaking kaganapan, atbp., atbp. Ang lahat ng mga pagtutol na iyan ay nagpapakita lamang na ang mga iskeptiko ay hindi makabubuti sa pagbubuo ng isang bagong internasyonal. Sila ay di-makabubuti para sa kahit ano pa man.

Ang Ika-Apat na Internasyonal ay bumangon na mula sa mga malalaking kaganapan: ang pinaka-matinding mga pagkatalo ng proletaryado sa kasaysayan. Ang dahilan para sa mga pagkatalo na iyan ay makikita sa pagkabulok at kataksilan ng mga lumang liderato. Ang tunggalian ng mga uri ay hindi pinapalagpas ang isang pag-abala. Ang Ikatlong Internasyonal, na sumunod sa Ikalawa, ay patay na para sa layunin ng rebolusyon. Mabuhay ang Ika-Apat na Internasyonal!

Subalit ang panahon ba ay dumating na para sa proklamasyon ng pagbubuo nito? . . . ang mga iskeptiko ay hindi mapapatahimik. Ang Ika-Apat na Internasyonal, sagot natin, ay hindi kinakailangan na “iproklama.” Ito ay umiiral at ito ay lumalaban. Ito ba ay mahina? Oo, ang hanay nito ay hindi marami dahil ito ay bata pa. Sila ay pangunahing mga kadre pa lang. Subalit ang mga kadre na ito ay mga pangako para sa kinabukasan. Sa labas ng mga kadreng ito ay wala pang umiiral na isang rebolusyonaryong daloy sa planetang ito na talagang nagme-merito ng pangalan. Kung ang ating Internasyonal ay mahina pa sa bilang, iyan ay matatag sa doktrina, programa, tradisyon, sa di-maikukumparang paghuhubog ng mga kadre nito. Sinuman ang hindi pa nakakakita nito ngayon, hayaan siya sa ngayon ay tumabi. Bukas ito ay magiging mas malinaw.

Ang Ika-Apat na Internasyonal, ngayon pa lang, ay karapatdapat na kinasusuklaman ng mga Stalinista, mga Sosyal Demokrata, mga burgis liberal, at mga pasista. Wala at walang maaaring maging lugar ito sa anumang Prente ng Bayan. Ito ay walang anumang kompromisong nagbibigay ng laban sa lahat ng mga pulitikal na grupo na nakatali sa damit ng burgesya. Ang tungkulin nito—ang abolisyon ng kapitalistang dominasyon. Ang layunin nito—sosyalismo. Ang pamamaraan nito—ang proletaryong rebolusyon.

Kung walang panloob na demokrasya—walang rebolusyonaryong edukasyon. Kung walang disiplina—walang rebolusyonaryong aksyon. Ang panloob na istruktura ng Ika-Apat na Internasyonal ay naka-batay sa mga prinsipyo ngdemokratikong sentralismo: buong kalayaan sa diskusyon, kumpletong pagkakaisa sa aksyon.

Ang kasalukuyang krisis sa kultura ng tao ay ang krisis ng proletaryong liderato. Ang abanteng mga manggagawa, nagkakaisa sa Ika-Apat na Internasyonal, ang magtuturo sa kanilang uri ng daan palabas sa krisis. Kanilang inihahandog ang isang progama na nakabatay sa internasyonal na karanasan sa pakikibaka ng proletaryado at sa lahat ng inaapi sa mundo para sa liberasyon. Kanilang inihahandog ang isang walang mantsang bandila.

Mga manggagawa—mga lalaki at mga babae—ng lahat ng mga bansa, ilagay ang inyong mga sarili sa ilalim ng bandila ng Ika-Apat na Internasyonal. Ito ang bandila ng papalapit ninyong tagumpay!